Misis ni Echo adik na adik din kina Daniel at Kathryn

kim jones

Isang certified KathNiel fan ang asawa ni Jericho Rosales na si Kim Jones. Hindi lang daw alam ng karamihan pero mahilig talagang manood ng serye ang kanyang misis.

Kuwento ni Echo nu’ng huli namin siyang makachikahan, inamin niyang hindi pa niya nasisilip ang bagong version ng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Pero aniya, marami siyang nababasang magagandang feedbacks tungkol dito sa social media. “You know it’s different. It’s a different generation. Hindi naman malayo sa generation ko,” natatawang chika ni Echo sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Iba ‘yung audience nila sa naging audience namin. Some say that ours is better, some say ‘yung sa kanila but it really depends on the taste of the viewers.”

Dito nga niya nabanggit na avid supporter nina Kathryn at Daniel ang kanyang misis, “As a matter of fact, si Miss Jones ay fan ng dalawa (KathNiel).

She loves to watch Filipino love teams sila Quen (Enrique Gil) at Liza (Soberano), and even Kim (Chiu) and Gerald (Anderson).”

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game ang Pangako Sa ‘Yo, bukod pa sa gabi-gabing pagte-trending nito sa Twitter at iba pang social media.

Kaya naman lalo pang ginaganahan ang buong cast at produksiyon ng programa na magtrabaho at mas pagandahin pa ang bawat eksena ng PSY.

Ayon kina Kathryn at Daniel, sa mga susunod na episode ng Pangako Sa ‘Yo, mas marami pang nakagugulat at nakaka-in love na mga eksena ang mapapanood ng televiewers, lalo na ngayong unti-unti nang sumasambulat ang mga lihim ng bawat karakter sa serye, kabilang na ang nanunumbalik na pagmamahalan nina Amor Powers (Jodi. Sta. Maria) at Eduardo Buenavista (Ian Veneracion).

At siyempre, magpapatalbog ba naman si Madam Claudia (Angelica Panganiban), abangan ang mas matitinding resbak ni Madam laban kina Amor at Eduardo, pati na rin ang mga gagawin niyang pagpapahirap sa kinasusuklaman niyang si Yna Macaspac (Kathryn) para mawala na ito sa landas ni Angelo (Daniel).

Read more...