Refund sa PhilHealth di pa nakukuha

ISANG pagbati para sa mga bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay isang accounting staff sa isang construction company sa Malolos, Bulacan. Naospital po ang kapatid ko noon pang 2012 pero hanggang ngayon ay hindi pa po namin nakukuha ang refund mula sa PhilHealth.

Paano po ba namin malalaman kung aprubado na ang kanyang refund? Malaking tulong din po ito para maidagdag sa maliit na sari-sari store ng aking kapatid. Umaasa po ako sa agad na pagtugon ng PhilHealth sa aking katanungan.

Imelda de Guzman

REPLY: Para sa mga miyembro ng Philhealth at sa kanilang mga qualified dependents na may unclaimed refunds sa mga ospital kung saan sila na-confine partikular na noong taong 2007 at 2013 ay maaaring mag-check sa Philhealth website kung nasa listahan na ang inyong pangalan at malalaman din kung ano ang susunod na dapat gawin para agad na makuha ang refund.

Ang listahan ay maaaring ma-acces sa pamamagitan ng www.philhealth.gov.ph/unclaimed refunds.
Ang unclaimed refund ay nararapat lamang na maibalik ng mga accredited member na naospital dahil sa karamdaman na hindi nakakuha ng benipisyo mula sa Philhealth sa ilang kadahilan

Dr. Israel Francis A. Pargas
OIC-Vice President, Corp. Affairs Group
Philhealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...