Coco ipagpapatuloy ang ‘Misyon’ ni Fpj sa PNP


coco martin

ANG 1997 movie ng ama na “Ang Probinsyano” pala ang naging inspirasyon ni Sen. Grace Poe sa kaniyang adbokasiya na pabanguhin ang imahe ng mga pulis sa publiko.

Kaya nga tuwang-tuwa ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. sa muling pagbuhay ng ABS-CBN ng Ang Probinsyano sa telebisyon dahil na rin sa positibo nitong epekto sa pagtingin ng mga tao sa mga alagad ng batas sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang kawani sa mga iskandalo at krimen.

Noong Sept. 28 lang ito nagsimulang umere ngunit marami na raw ang natutuwang mga pulis dahil ipinapakita ng teleserye ang mga sakripisyo ng mga alagad ng batas sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.

Patok na patok sa mga kapulisan ang eksena kung saan iniligtas ni Ador (Coco Martin) ang mga pasahero sa planong pambobomba sa tren ng PNR na isang patunay sa mga panganib na sinusuong ng mga pulis upang mapangalagaan ang buhay ng mga tao.

Una nang sinabi ng biyuda ni Da King at ang ina ni Grace na si Susan Roces kung gaano kalapit sa puso ni FPJ ang mga pulis. Patunay rito ang dami ng pelikulang ginawa ni Da King na pelikula tungkol sa mga pulis ani Ms. Susan na siya mismong ang gumaganap na lola ni Coco sa TV adaptation ng Ang Probinsyano.

Bilang pinuno naman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, pinangunahan ni Grace ang imbestigasyon sa umanoy kinasasakungtang katiwalian ng dating PNP chief Alan Purisima, kaugnay na rin sa paglilinis sa hanay ng pulisya.

Isinusulong rin niya ang modernisasyon ng ahensiya upang mabigyan ng sapat na kagamitan at benepisyo ang mga pulis para sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Maraming taga-showbiz ang nagsabi, kabilang na si Ms. Susan na kung ano ang naumpisahan ni FPJ sa mga makabuluhang pelikulang nagawa niya noong nabubuhay pa ito ay siya namang ipinagpapatuloy ni Grace sa pamamagitan ng pagiging public servant.

Read more...