Sino ang pipiliin sa dalawang BF? (2)

Sulat mula kay Maricel ng Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
Problema:
1. Simple lang naman po ang problema ko kaya lang natatakot ako na baka mamali ako ng pasya. Ganito po kasi iyon, sa kasalukuyan ay may dalawa akong boyfriend na pareho kong mahal. Gusto ko lang malaman kung ano sa dalawang boyfriend kong ito ang mas ka-compatible ko at dapat kong piliin kapag ako ay nag-asawa na, upang magkaroon kami ng isang masagana at maligayang pamilya.

2. Ang una ko pong BF ay tawagin na lang nating Mr. R. na isinilang noong February 4, 1992 at yong ikalawa naman po ay si Mr. J na isinilang noong May 14, 1991, habang September 5, 1992 naman ang birthday ko.

Umaasa,
Maricel ng
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang isinilang sa zodiac sign na Taurus na dili’t iba kundi si Mr. J. na isinilang nuong May 14, 1991, tiyak ang magaganap siya na ang mapapangasawa at makakatuluyan mo.
Numerology:
Ang birth date mong 5 at nagkataong 5 din ang birth date na 14 ni Mr. J. dahil ang 14 ay 1+4=5, tiyak ang magaganap, kapag kayo na ang nagkatuluyan, makapagnenegosyo kayo at yayaman ng yayaman.

Physiognomy:
Ang katawan mong medyo chubby o mataba ay nagsasabing isang lalaking medyo payat hanggang sa balingkinitan ang pangangatawan ang inyong mapapangasawa, kaya kung ganyan ang body physique ni Mr. J. tiyak ang magaganap siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Huling payo at Paalala:
Maricel dapat ngayon pa lang mamili ka na sa dalawa mong boyfriend dahil kapag pinatagal mo pa ang pagpili, lalo ka lang mahihirapan. Kung saan, piliin mo si Mr. J. na may birthday na May 14, 1991, sapagkat ayon sa iyong kapalaran, kapag siya ang mapapangasawa mo, tiyak na ang magaganap, may pangako ng isang masagana, sadyang napakaligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya ang sa inyo ay malaon ng nakalaan.

Read more...