Magic ng Diego-Sofia loveteam masusubukan sa MMK

sofia andres

PATUTUNAYAN ng dating magkasintahan na ang iyong first love ay maaaring maging iyong last love kahit na lumipas pa ng 50 taon sa naaiibang kwento ng pag-ibig ngayong Sabado sa isang espesyal na namang episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Ms. Charo Santos-Concio.

Halos sabay na lumaki ang magkapitbahay na sina Prima (Sofia Andres) at Teddy (Diego Loyzaga). Naging mabuti silang magkaibigan hanggang sa mauwi sa mas malalim na pagtitinginan ang kanilang samahan.

Aalukin ni Teddy si Prima ng kasal ngunit tatanggihan ito ng dalaga at mas pipiliin ang pag-aaral. Ito ang mag-uudyok kay Teddy para manatili na sa US at magpakasal sa iba roon.

Masasaktan naman si Prima at magpapasya na rin na magpatuloy sa buhay at magsimula ng sarili niyang pamilya.Bagamat may sarili ng mga buhay ay hindi pa rin makalimutan nina Teddy (Tonton Gutierrez) at Prima (Agot Isidro) ang isa’t isa.

Parehong mababalo ang dalawa at sa kanilang muling pagkikita pagkalipas ng 50 taon, manumbalik pa kaya ang dating pagtitinginan?

Tampok rin sa MMK episode na ito sina Marina Benipayo, Elisse Joson, Emmanuelle Vera, Carla Humphries at Claire Ruiz. Ang episode ay sa direksyon ni Elfren Vibar, at sa panulat ni Joan Habana.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode na ito gamit ang #MMKEternalLove.

Read more...