INAMIN kahapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte on Friday na protektor siya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kagaya ng pag-aalaga niya ng iba pang mg tao na ibang paniniwalang pulitikal.
“Yes, I coddle the Reds, they are Filipinos after all,” sabi ni Duterte sa kanyang pahayag na ipinost sa social media ni dating North Cotabato governor Manny Piñol.
Sagot ito ni Duterte matapos ang alegasyon ni retired general Jovito Palparan na tinatago niya ang mga NPA.
“I also coddle the other Filipinos who have been categorized to belong to the three other major colors representing the national flag–blue, yellow and white,” giit ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na pinapakain dini niya ang mga rebelde.
“When Typhoon Pablo ravaged the Davao Region, I brought them food just as I brought medicines, food and shelter to the people of Leyte following Typhoon Yolanda and the people of Bohol when the island was devastated by an earthquake,” aniya.
Binatikos din ni Duterte si Palparan matapos ang pahayag na protektor siya ng NPA.
“Our greatest misfortune as a people is having leaders and prominent individuals who divide this country into groups represented by colors, ethnicity and religious beliefs,” ayon pa kay Duterte. Inquirer