Goodbye sa bagyong Kabayan

Inaasahang nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Kabayan ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services lalabas ang bagyo sa pagitan ng 11 ng gabi ng Biyernes at 1 ng umaga ngayong araw.
Kahapon ng umaga ang bagyo ay nasa layong 70 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
May hangin ito na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pabugsong 80kph. Umuusad ito sa bilis na 22 kph sa kanluran-hilagang kanluran.
Kahapon ay itinaas ang signal no. 2 sa La Union at Pangasinan. Signal no. 1 naman sa Benguet, Tarlac, Ilocos Sur at Zambales.

Read more...