Retirado nanalo ng P30M sa Grand Lotto 6/55

lotto for site
Isang retirado na walang anak ang nanalo ng P30 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Setyembre 21.
Pero dahil System 7 o pitong numero ang kanyang tinayaan sa halip na ang regular na anim na numerong kumbinasyon may dagdag na P347,400 ang kanyang premyo.
Nagkakahalaga ng P140 ang bayad sa System 7 bet. At nakuha ng nanalo ang nanalong number combination na 11-12-25-35-38-43 sa kanyang dating kaopisina.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay may 65-taong gulang, may-asawa at taga-Pangasinan.
May anim na taon na umano siyang tumataya sa lotto. Plano niyang magbigay ng dinasyon sa simbahan upang maibahagi ang suwerte sa iba.
Palalakihin din niya ang kanyang sari-sari store at itatabi ang bahagi nito para sa hinaharap na pangangailangan.

Read more...