Dagdag benepisyo sa EC

MAGANDANG balita, may pagtataas para sa Employees ‘ Compensation (EC) pension ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Aquino ang 10 percent across-the-board increase para sa EC pension na epektibo Mayo 1, 2015.

Ang benipisyong ito ay nasa ilalim ng Employees Compensation Program (ECP) ng Employees Compensation Commission.

Saklaw ng increase ang Permanent Partial Disability (PPD), Permanent Total Disability (PTD), at death benefit.

Sa karagdagang 10 porsyento, ang kasalukuyang buwanang EC disability pension na P1,623.00 ay magiging P 1,818.00 at ang kasalukuyang buwanang EC death pension na P1,627.00 ay magiging P1,839.00.

Taong 1982 pa nang huling magpatupad ng increase ng EC pensaion.

Kinikilala ng ECC ang pangangailangang dagdagan ang benepisyo sa EC pension ng pampublikong sektor para ito ay makatugon sa kagalingan at pangangailangan ng manggagawang nagkaroon ng kapansanan na may kinalaman sa paggawa at sa kanilang pamilya.

Mula 2011 hanggang sa kasalukuyan, sa ginawang pag-aaral sa EC benefit, anim sa EC benefit ang naragdagan o binago, upang matiyak ang pantay na benepisyo para sa manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

Batay sa nakasaad sa BR No. 15-01-01, ang 10 porsiyentong across-the-board na pagtataas sa buwanang EC pension ay magkakabisa 15 araw matapos maipalathala ang kaukulang Executive Order at ito ay retroactive.

Executive Director Stella Banawis
Employees
Compensation
Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...