Horoscope, October 2, 2015 | Bandera

Horoscope, October 2, 2015

Madam Sophia - October 02, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing libangan ang pagpapalakas ng kalusugan! Malaking halaga ng salapi ang matitipid kung bihira lang magkasakit. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa physical fitness. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kavah-Taram-Om.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi ang panlabas na anyo ang magpapaligaya sa iyo, bagkus nasa loob ng puso! Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, kahit pangit, siya ang ibigin mo. Tandaang kapag ang puso’y nagmamahal, kusang gumaganda ang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman. Makinig ng paboritong musika upang gumanda ang pakiramdam. Sa pag-ibig, isa-isang magbabalik ang alaala ng na usyaming nakaraan. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng income. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Aum-Manu-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Alahas na silver ang aakit ng buenas. Sa pag-ibig, susuwertehin sa isang matabang babae na medyo pandak. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang lalaking payat na medyo guwapo. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Vayur-Anilam-Artam-Om.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi makakapagdagdag ng income ang lihim na sama ng loob. Sa pag-ibig, kung sino pa ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting sa iyo ay napapamahal. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansiyal, singilin nang mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Kung di mo sila sisingilin, ano sila sinusuwerte, hindi na uso ang bait-baitan ngayon? Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka, lalo kang gumaganda? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena-Patrena-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi makukuha sa dakdak at kuwento ang suwerte. Iwasang makipag-tsismisan, kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, naghahanap ang minamahal, mamayang gabi ipagkaloob mo sa kanya ang hinahanap niya. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kung magpapagawa ng bahay, siguraduhing may bintana sa silangangan. Sa ganyang paraan, mabilis na papasok ang pera at sa pag-ibig, maligayang pagmamahalan ang mananahan sa buong pamilya. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kulang ka sa libido kaya mabagal ang pag-asenso. Lagyan ng libog ang anumang ginagawa. Sa pananalapi, lagyan ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, mamayang gabi, landiing mainam ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan-Om.” Green at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal. Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng pasya upang wag masira ang kontrata. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi paramihan o palakihan ng suweldo ang labanan, ng tunay na mapera, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig, kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas nagiging maligaya. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig, panahon na upang lumaban! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Maging maingat sa bawat desisyong ipapatupad. Sa pinansiyal, mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Sa pag-ibig, iwasang manaig ang imoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” White at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending