WHICH is which? I mean, sino ang tunay na generous na galing talaga sa puso at sino ang nagkukunwari lamang?
Iyan ang gusto kong ipabatid sa ating mga mambabasa as I write about two kinds of gestures na ginawa ng dalawang sikat na showbiz personalities.
Unahin natin si Ms. Kris Aquino na nagpasintabing hindi makakadalo sa premiere night ng pelikula niyang “Etiquette For Mistresses”, a beautiful film directed by Chito Roño under Star Cinema, last Tuesday dahil ikinasal ang yaya ng anak niyang si Bimby sa cool and breezy Tagaytay.
Iyak raw nang iyak si Bimby na sobrang love ang Yaya Gerbel niya – ang tanging kasama niya tuwing nagtatrabaho ang sobrang sipag niyang mommy Kris. We understand the feeling of a young child like Bimby na wari’y inagawan ng nanay-nanayan. Baka akala niya ay tuluyan nang inagaw ang yaya niya sa kaniya kaya siguro tumangis nang husto si bagets.
It has been long written na sinagot ng mag-ina ang bulk ng gastusan sa kasal. Si Bimby ang sumagot sa reception while Kris paid for other wedding details. Kung magkano man ang ang nagastos sa kasal, we are not privy to the figures pero ayon sa lumabas na press releases from Kris’ camp before pa, ang ipinambayad daw ni Bimby sa reception ay yung talent fee niya sa isang commercial ad.
“That’s very impossible kung talagang titilarin mo. OA naman ‘yun. Kasi nga, alam nating lahat na mahal ang bayad kay Bimby sa mga commercial. Hindi joke iyon. Pinakamababa na siguro ang P5 million. Sa palagay niyo ba ay papayag si Kris na gastusin ang buong talent fee ni Bimby para lamang sa kasal ng yaya niya? That’s a hoax!
“Bakit? Sino ba ang mga bisita ng yaya niya para lumustay ng ganoong kalaki? No offense meant pero siyempre ang mga magiging bisita ng yaya niya ay family lang nila ng magiging asawa niya, the Aquinos and the Cojuangcos na related kay Bimby, mga kapwa-yaya and other friends na hindi naman mapili kung ano ang ihahain mong food sa handaan.
“Definitely, hindi naman mga Zobel or Ayala ang mga friends ng yaya niya kaya hindi ganoon kabongga o kagastos ang handaang iyon. Naloka lang kami sa press release ng Kris na iyan na ang talent fee raw ni Bimby ang ginastos sa reception. At iba pa yung ginastos raw niya. Bakit kailangang sabihing magkaiba sila ng pinagkagastusan sa kasal eh iisa lang naman ang pinanggalingan ng perang iyan – sa kanilang mag-ina iyan kahit sabihin pa nating may sariling account si Bimby.
“Ito talagang si Kris, gustong ipangalandakan palagi ang naibibigay niyang tulong. Nandoon na tayo that her presence sa wedding with son Bimby ay very humbling dahil pinahalagahan niya ang mahalagang event ng yaya niya more than the premiere night. Pero para ipangalandakan pa na ganito ang ginastos nila ganoon, I find it off,” talak ng isang kaibigang doktor.
“Tulad nga ng palaging sinasabi ni Nanay Cristy Fermin, ang ginagawang kabutihan ng kaliwang kamay mo ay hindi na kailangang malaman ng kanan,” ani doc.
Siyempre nanahimik kami. Di na lang kami kumibo dahil tama naman ang point ng said doctor/friend of ours. At hindi pa tapos si Doc. Meron pa pala siyang isang magandang kuwento.
“Look at Ejay Falcon, he may not be as rich as Kris at hindi kasing sikat ng lola ninyo pero iba naman ang kabutihan ng kaniyang puso. Hindi niya ipinagsisigawan ang ginawa niyang kabutihan sa kanilang probinsiya sa Mindoro. Ganito iyan, nu’ng pumasok si Ejay sa showbiz at nakaipon ng konti, pinatayuan niya ng bahay ang kaniyang adoptive parents sa Mindoro.
“Mahal na mahal niya kasi ang pamilya niya lalo na ang kaniyang kinikilalang ama. Since fishing ang kabuhayan ng kaniyang ama, ibinili niya ito ng bangka. After three months ay nawala yung bangkang binili niya for his father kaya heto siya, ibinili niya ulit ng bago. After another month ay nawala ulit ang bangka. Siyempre, yung mga malalapit na kaibigan ni Ejay ay nag-doubt na sa kanyang adoptive father, na baka niloloko na nga siya nito.
“Pero ibinili pa rin uli ni Ejay ng bangka ang tatay niya. Another month has passed at ganoon ulit ang nangyari. Meaning, nakatatlong bigay na si Ejay ng bangka at palagi itong nawawala and when he started to research why is this happening, napag-alaman niyang ibinibigay pala ng tatay niya ang mga bangkang iyon sa other fishermen na sobra ang pangangailangan sa kanilang hanapbuhay. Naaawa raw kasi yung mama dahil wala silang means to acquire a banca.
“Nang malaman ito ni Ejay binilhan uli niya ang tatay niya ng bangka. Marami na siyang bangkang nabili at hindi na siya nagtatanong sa tuwing nawawala ito dahil alam na niya kung saan napupunta ang mga iyon. Kumbaga, that’s his indirect way of helping their kababayans dala ng sobrang kabaitan ng kaniyang ama,” mahabang kuwento ng aming source.
That’s truly a beautiful story about Ejay Falcon. With this, the more namin siyang minahal. Napakalaki pala talaga ng puso ng batang ito kaya we are praying na sana’y dumami pa ang blessings niya para mas marami pa siyang natutulungan. What a good samaritan in him indeed!
Now, ano na? Sino sa tingin ninyo ang may mas malaking puso? Obvious bang hindi si Kris ‘yun? Ha-hahahaha! Ano sa tingin n’yo?!