Sam kay Jennylyn: Ideal wife siya!

sam milby

Sa presscon ng “PreNup” nina Sam Milby at Jennylyn Mercado sa Valencia Events Place noong Martes ay maraming nanghihinayang kung bakit hindi nagkagustuhan ang dalawa habang sinu-shoot nila ang pelikula sa New York, USA.

Iisa kasi ang sinasabi ng lahat nang dumalo sa presscon, “Ang ganda ni Jen at ang guwapo ni Sam, bagay na bagay sila. At may chemistry sila on screen, sana sila na lang.”

Oo nga, isa rin kami sa nanghihinayang kung bakit walang ligawang nangyari sa pagitan ng dalawa? Hindi ba naapektuhan ang feelings nina Jen at Sam sa napakaromantikong lugar ng Central Park, NYC na madalas ginagamit sa mga Hollywood romantic films?

In fairness, maganda naman ang dahilan ni Sam kaya hindi niya niligawan si Jen , “Ayoko po kasi ng (ligawan) habang ginagawa ang movie, siyempre baka isipin dahil may project kami so sa tamang panahon.

Ang ganda ng puso niya, she’s maganda, mabait, sexy, it’s really exci-ting to work with her.” Iyon naman pala, type ng aktor si Jen, e, bakit maski paramdam ay wala raw naramdaman ang aktres, “I’m actually a quiet person,” napangiting sagot ng binata.

Hindi kaya sa pagiging tahimik at mabagal niya ay maunahan na naman siya? Natawa at nag-apuhap ng isa-sagot si Sam, “Well, sometimes we have to get out of our comfort zone if you really want to pursue talaga.”

Inulit namin kay Sam ang sinabi ni Jennylyn na hindi raw siya nagsasalita noong nasa US sila kaya wala raw siyang ginawa kundi mag-viber ng mga naiwan niya rito sa Pilipinas.

Natawa si Sam at hindi na naman kaagad nakasagot, “Well, kasi nga I’m a quiet person,” diin niya.
Sa ilang araw nilang pananatili sa New York ay hindi raw nagawang yayain ni Sam si Jen na mamasyal o mag-dinner man lang dahil sa kawalan ng oras.

Umagang-umaga raw kasi sila nagsisimula at matatapos ng gabi na kaya plakda raw sila talaga.
“It’s all work talaga, for se-ven days puro work so walang time. Nakakapag-usap lang kami kapag break, nagbibiruan lang ganu’n,” kuwento ng aktor.

At ngayong nasa Pilipinas na sila at tapos na ang shooting ng movie, “Puwede na naman ngayon. Let’s see.” Samantala, hindi naman itinanggi ni Sam na sa edad niyang 31 ay talagang mapapangasawa na ang hanap niya, “My ideal age to get married and have a family is 35, gusto ko sana.

My dad had me when he was 49, so kung sino ‘yung susunod na (girlfriend), sana siya na,” ani Sam.
Sa tingin ba ni Sam ideal wife si Jennylyn? “Yes of course! I can see na she’s a great mother kay Jazz, very responsible siya.

What I really like about her, sobrang daming blessings niya ang daming dumarating sa kanya pero never lumaki ang ulo niya, number one sexiest sa FHM, pero napaka-humble, she’s a real true person, ang ganda ng puso.”

Hindi rin daw isyu kay Sam kung may anak na si Jennylyn, “Hindi naman issue, If I think about it, I really want to have my own family, pero kung talagang siya, walang problema kasi nakikita ko talagang she’s a great mom.”

Kaya hirit namin sa kanya na huwag na siyang magbagal-bagal dahil baka masulot pa siya, “Minamadali mo ako ate Reggs,” ang tanging naisagot ng binata.

Nagpaliwanag naman ang aktor kung sakaling may boyfriend ang babaeng gusto niya, “Ayoko kasing pumasok kapag may boyfriend na, same thing na ayoko ring gawin sa akin kasi it feels bad,” paliwanag ng binata.

Kinilig naman si Sam nang banggitin naming nasabi ni Jen na masarap siyang humalik at mabango. Sabi pa namin sa kanya, puro lang siya kilig wala namang ganap! Ha-hahaha!

At dahil “PreNup” ang titulo ng pelikula nina Sam at Jen, pabor ba siya na magkaroon ng pre-nup bago siya ikasal? “Kapag nag-asawa ako, iyon na ‘yun, wala nang hiwalayan.

So I’m not into pre-nup.” Mapapanood na ang “PreNup” sa Okt. 14, at kasama rin dito sina Ela Cruz, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, Jaclyn Jose at marami pang iba sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Read more...