5 nalason sa kabute sa Iloilo


NALASON ang lima katao matapos kumain ng ligaw na kabute para sa kanilang hapunan ganap na alas-9 ng gabi noong Martes sa Miag-ao, Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Nemesio Embino Jr., 46 at kaniyang anak na babae na si Janella, 9; Jeffrey Murcia, 25; Irish Benjieshna, 10; at Benjie Floro, 9 pawang mula sa Barangay Igbugo, Miag-ao.

Base sa rekord mula sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Mandurriao District, Iloilo City, iniluto ang kabute para sa hapunan pasado alas-7 ng gabi noong Martes.

Natagpuan ni Nemesio ang mga kabute sa bukid. Inani niya ang mga ito at iniluto.
Makalipas ang dalawang oras, nagsimulang magkasakit ang mga biktima. Nakaramdam sila ng pagkahilo, pagsakit ng tiyan at pagsusuka.
Agad silang dinala sa WVMC.

Read more...