Hindi inanunsyo ng Liberal Party kung sino ang magiging running mate ng kanilang kandidatong si ex-Sec. Mar Roxas.
Pero kung si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang tatanungin ay si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na ang vice presidential candidate ng administrasyon para sa 2016 elections.
“She has, more or less, given her consent already, informally. I don”t think binibitin niya [ang LP],” ani Belmonte sa press briefing matapos ang convention ng LP sa Balay sa Cubao, Quezon City.
Dagdag pa ni Belmonte: “From what I could gather, she is willing to do it.”
Ang tanging hadlang umano sa pagtanggap ni Robredo sa alok ay ang kanyang pagsaalang-alang sa kanyang mga anak.
“The only known difficulty at the moment concerns that of the candidate for Vice President. Congw. Leni wanted to be sure that she will have the support not only of the political backers but also of her children,”
Hindi namataan si Robrero sa pagtitipon kahapon na nilahukan ng mga malalaking personalidad sa partido. Sa Lunes ay magkakaroon ng pagtitipon ang LP at inaasahan na iaanunsyo na nila ang listahan ng kanilang mga kandidato.
Leni absent; pero running mate na ni Mar
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...