Ang BF na bang seaman ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Aira ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
Sa ngayon ay may boyfriend ako at magtu-two years na ang relasyon namin. Nasa barko siya sa ngayon dahil siya ay isang seman. Nitong huling uwi niya ay nagpaalam na siya sa mga magulang ko na sa susunod daw na taong 2016 pag-uwi niya ay magpapakasal na kami. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung matutuloy ba ang kasal naming ito. Ayon kasi sa kuwento ng boyfriend ko ay parang ayaw pa siyang pag-asawahin sa kanila dahil siya ang breadwinner at nagpapaaral ng mga kapatid niya. Pero sabi niya naman sa akin ay nagsabi na rin siya sa kanila at kahit daw tumutol pa ang mga magulang niya na mag-asawa na siya. Wala naman daw silang magagawa kasi 31 na ang boyfriend ko sa darating na December 28, kaya gustong-gusto nya ng mag-asawa. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? May 7, 1991 naman ang birthday ko.

Umaasa,
Aira ng Likoan, Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Suwerte ka dahil kahit na tutol ang mga magulang ng boyfriend mo sa inyong binabalak na pagpapakasal, wala rin naman silang magagawa. Ayon sa maganda at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, ang una at kasalukuyang boyfriend mo ang siya mo na ngang makakatuluyan.
Cartomancy:
Habang ang Queen of Clubs, Six of Hearts at King of Clubs ang nagsasabi na siguradong sa 2016 ay matutuloy ang inyong kasal. At magaganap ito kahit pa tutol ang mga magulang ng boyfriend mo sa taong 2016 sa buwan ng Hunyo.
Itutuloy

Read more...