Oyo Sotto, 3 anak muntik masagasaan ng bastos na driver na sakay ng may plakang ‘8’

PIKON na pikon ang aktor na si Oyo Sotto dahil sa “kabastusan” ng isang driver ng Mercedez Benz na may plakang “8” o plaka na ginagamit ng mga kongresista.

Dinala ni Oyo ang kanyang inis sa social media nitong Linggo.

Ayon sa aktor, anak ng beteranong aktor at TV host na si Bossing Vic Sotto, na tumatawid siya at kanyang mga anak sa isang kalye sa harap ng Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa, nang  makipag-unahan pa ang sasakyan na may plakang “8” at hindi sila hinayaang makatawid muna.

 

“You are one rude Representative/Congressman!! We were crossing the street with my children in front of Acacia Hotel and you didn’t want to let us pass! Parang inip na inip ka, gusto mo pa akong banggain,” ayon kay Sotto sa kanyang post.

“That’s why most of the people do not respect or obey the law it’s because of people like you, who is not being a good leader! Bastos ka talaga,” dagdag pa nito.

Sa isa pang post, inilagay na ni Oyo ang larawan ng silver na Mercedes Benz na may plakang 8.

Naniniwala si Oyo na ang driver ng sasakyan ay siya rin ang may-ari at maaaring misis nito na “seated in the passenger seat all dressed up”.

Si Oyo ay mister ng aktres na si Kristine Hermosa at meron silang tatlong anak na sina:Ondria Bliss, Kristian Daniel, and Kaleb Hanns.

 

Read more...