NANGAKO ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na magdo-doble kayod siya para mabawi ang pangunguna sa survey para sa mga tatakbo sa pagkapangulo sa 2016.
Sinabi ng tagapagsalita ni Binay na si Atty. Rico Quicho na hindi naman nababahala si Binay matapos pumangatlo na lamang sa pinakabagong Pulse Asia Ulat ng Bayan survey.
“The Vice President will continue to talk directly with the people and work doubly hard to inform them of his track record of helping the poor and programs to bring more employment, quality education, accessible healthcare and reduction of poverty,” sabi ni Quicho.
Idinagdag ni Quicho na nang gawin ang survey mula Setyembre 8 hanggang Setyembre 14, walang inereng political advisertisement si Binay.
“The Vice President is satisfied with the Pulse Asia results considering that he did not have any television advertisement running during the survey period. It showed us that we have a stable core of supporters,” dagdag ni Quicho.
Pumangatlo lamang si Binay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, kung saan nakakuha siya ng 19 na porsiyento, pangalawa naman si dating Interior secretary Mar Roxas na may 20 prosiyento at nanguna pa rin si Poe na may 26 na porsiyento.