KONTROBERSIYAL ngayon ang Cyber Crime Law na ipinasa lately ng pamahalaan.
May kulong pag nahatulan ang nagkasala – no one is excused from libel you know.
With this, sari-saring reaksiyon at opinyon ang naririnig natin around town, marami ang tumututol lalo na ang ilang members ng media dahil for them, suppression daw ito of their basic human rights.
But you know, the law only applies to irresponsible bloggers – kapag matino ka naman sa social networking sites hindi ka naman dapat mabahala, di ba?
Unless masyado nang OA ang pag-intindi ng iba – ‘yung konting kibot lang reklamo agad. Paano pala yung mga write-ups natin sa newspapers na nailalagay sa internet?
If and when we write something perceived to be offensive halimbawa to some over-acting subject, you mean double count of libel ang maaaring isampa against you dahil magkaiba ito ng placements – one sa newspaper and one sa internet?
Well, dapat ma-specify ito nang maayos – i-define dapat nang mabuti.
Medyo may kalabuan pa ito in some ways dala ng napakaraming bogus names sa internet, some are poseurs.
Tulad ko halimbawa, may gumagamit ng name ko sa Facebook and Twitter – mga kalaban ko – mga sugo sigurado ni Satanas.
And siyempre, ang mga inilalagay ng mga iyan sa kiyemeng accounts ko ay kasiraan ng iba.
Natural, ako ang makakasuhan niyan dahil pangalan ko ang nakalagay.
Kumbaga, wala akong kalaban-laban.
Pag minalas-malas pa, baka maisyuhan ka agad ng warrant, di ba?
Anyway, some celebrities agree sa Cyber Crime Law – two of which are Megastar Sharon Cuneta and Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Kasi nga, madalas silang maging biktima ng mga bashers.
Regine has been very vocal about this law lately, kasi raw, nabiktima na sila ng kanyang asawang si Ogie Alcasid ng mga pangit na salita from some bloggers, lalo na nu’ng pulaan nila si Baby Nate na bagong panganak pa lang that time.
Kung noon ay nakaligtas daw ang mga bashers nila, sabi ni Regine papatulan na raw niya ang sinumang mang-aapi o mang-aalipusta sa anak nila.
“Teka lang naman. Tama naman si Regine na huwag naman sana nilang isali ang inosenteng bata sa mga kalokohan nila.
Noon iyon, nu’ng bagong panganak pa lang yung bata.
Pero meron naman akong advise kay Regine ngayon, huwag niya na lang i-expose si Baby Nate sa media para hindi ito mapulaan o maapi.
“Kasi nga, recently ay meron akong nabasang item sa diyaryo kung saan ay tuwang-tuwa pa si Regine na inanunsyong makikita nila si Baby Nate sa kanyang cooking show sa GMA 7.
May balak pa yata siyang tumanggap ng endorsements para kay Baby Nate.
That makes the story different, wala nang puwedeng sisihin dito kung mapupulaan si Baby Nate kungdi silang mag-asawa mismo.
Kasi nga, ini-expose nila sa media kaya dapat handa rin sila sa mga comments and criticisms, di ba?
“Kung ayaw nilang maapi ang kanilang anak, let him live a very private life, ‘yung hindi nakikita ng media na mapanghusga pa naman ang ilan.
Kaso nga, gusto nga raw i-guest ni Regine ang anas sa show niya, siya rin ang nagbukas ng pintuan para masilip at pagtsismisan ang kanilang baby, di ba?” anang isang non-showbiz friend namin na regular listener ng DZMM Teleradyo.
May point din yung friend namin as far as Regine’s issue is concerned.
Huwag na lang niyang i-expose ang bata para walang dapat ipag-alala. Tama?