PARANG gera sibil ang sabong ng dalawang television giants sa noontime slot nitong Sabado.
Top kilig stars ng ABS-CBN na “It’s Showtime” kalaban naman ng akyat-ligaw ni Alden kay Yaya Dub sa blocktimer na Eat Bulaga ng GMA7.
Ang resulta sa worldwide tweet, ang #ALDubEBforLOVE ay pumalo ng mahigit sa 23 milyon tweets at ang #ShowtimeKapamilyaday ay nagtala lamang ng 6.7 milyong tweets.
Triple ang lamang ng AlDub sa tweets. Pero, ang tunay na sukatan ng popularidad ng dalawang noontime show ay ang magkahiwalay na TV ratings ng AGB-Nielsen at Kantar media na lalabas ngayong Lunes ng umaga.
Doon makikita ng mga tv producers ang minute-by minute ratings ng dalawang show.
Naiintindihan ko kung bakit ibinuhos ng ABS-CBN, todo-todo pati pamato, ang lahat para talunin ang AlDub phenomenon. Kasi nga nasasaktan na ang buong “afternoon block” ng Kampamilya network at damay na rito ang buong “daytime block” hindi lamang Sabado kundi maging Linggo.
Ang malaking panganib ay kung tuluyan silang mailampaso sa “overall nationwide ratings,” na ang magiging resulta ay pagbaba ng advertisements.
Ngayong tapos na ang “all out party” ng Kapamilya noong Sabado, hindi ako magtataka kung magtaas na ng baderang puti ang “It’s Showtime” lalo kung ilalampaso sila sa ratings.
Kung Twitter statistics ang pagbabasehan, talo nga talaga.
Umaasa na lang ang Kapamilya na lilipas agad at pagsasawaan ang Kalyeseryeng AlDub. Pero, maling-mali sila.
Hinakot na nga nila ang kanilang best love teams nina KathNiel, Jadine at LizQuen, subalit sa execution noong Sabado pareho ring “song, jokes and dance format” ang nangyari. Bagay na matagal nang pinagsawaan ang taumbayan pero swak na swak sa TFC o sa mga regional viewers.
Samantalang ang Kalyeserye naman ay tila lamok na sinuyod na yata ang lahat ng sulok ng barangay sa Greater Manila Area bukod pa sa direktang tulong sa mga maswerteng pamilyang napili.
Ika nga, nanunuot at malakas ang “viewer engagement’ at “social work” ng Eat Bulaga na nakikisalamuha kahit sa pinakamaruming bahay at lugar .
Kaya naman, sanay na ang publiko sa mga “informal,” biglaan at spontaneous na mga eksena. Walang rehearsal lalo na sa mga bahay na pinapasok. Matatawa at maiiyak, maaawa ka sa bawat eksena.
Sa aking palagay, ang nangyayaring Aldub phenomenon ay resulta ng matagal na pag-iikot at direktang pakikiramay ng Eat Bulaga sa taumbayan.
Bukod dito, nalagyan pa ng kilig-kwento ang araw-araw nilang cove-
rage ng hirap na buhay ng sambayanang Pilipino.
Maliwanag sa akin na “natuto” na ang taumbayan sa tinatawag kong “purposeful viewing,” panonood na mayroong totoong kahulugan sa ating oras at buhay.
Ang malungkot sa Kapamilya ay ang katotohanang ang AlDub ay unang ideya pa lang ng kalyeserye at tiyak na susundan ito ng iba pang gimik gaya ng ‘romance-comedy skits.’
Hanggat hindi nakikita ng Kapamilya Network ang pantapat na may tamang elemento, matatagalan bago sila makabangon.
Koneksyon sa taumbayan ang susi, yan ang dapat isipin ng Kapamilya Network, hindi ang pa-cute, walang “star complex,” totoong tumutulong at tunay na kapa-
milya hindi lang tuwing tanghali kundi sa lahat ng oras.
AlDub phenomenon: Isang pagsusuri
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...