Coco pumayag makipag-nose to nose kay Pastillas Girl

coco martin

Masaya naman si Vice Ganda dahil naka-more than six million tweets ang 6th anniversary presentation ng It’s Showtime.“Maraming maraming salamat po sa lahat ng Madlang People, Little Ponies at mga Kapamilya (dito sa Araneta at sa kani-kanilang tahanan) na tumutok sa It’s Showtime! Thank you din sa lahat ng nakisali sa Twitter Party at nagpa-trend sa ?#?ShowtimeKapamilyaDay with 6.33M REAL and ORGANIC TWEETS.

Patunay lamang na TOTOOng pinag-usapan sa social media ang @itsshowtimeofficial_ig at mga Kapa-milya Stars na naging bahagi ng ANIMversary Kick-off ng programa. Maraming Salamat, mga Kapamilya!” tweet niya.

Pabonggahan ng production numbers ang tatlong pinakasikat na love teams, ang KathNiel nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre at LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kinilig din ang audience nang kantahan ni Coco Martin si Angelica Yap alyas Pastillas Girl sa Nasaan Ka Mr. Pastillas segment ng noontime show. Nag-nose to nose pa ang dalawa on stage na ikinainggit ng maraming girls and gays.

Read more...