Alden, Yaya Dub naabot na ang pinakamatinding kasikatan

yaya dub

Siguro naman, dahil sa tindi ng suportang ibinigay ng ating mga kababayan sa loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) nu’ng nakaraang Sabado ay matatanggap na ng kanilang mga kalaban na panahon nila ngayon, wala nang kaduda-dudang AlDub talaga ang mayhawak ng korona bilang pinakasikat na tambalan ngayon.

Sa naitala nilang tweets nu’ng nakaraang Sabado na umabot nang mahigit 25.6 million ay hindi biro-biro ang senaryo, naabot na nga ng AlDub ang pinakamatinding popularidad, kahit na sabihing wala pang kasiguruhan ang kasikatang hinahawakan nila ngayon.

Pinaghandaan ng buong bayan ang ginawang pagdalaw ni Alden kay Yaya Dub, pinana-nabikan na ang one foot lang nilang pagtatabi, pero kinilig ang buong bayan nang hindi sinasadyang magkahawakan sila ng kamay nang mahirinan si Yaya Dub at painumin ni Alden.

Napakababaw, sasabihin ng iba, pero paano nga ba natin maipaliliwanag ang matinding paghanga ng publiko ngayon sa AlDub? Ano bang meron ang tambalang ito para yakapin at suportahan ng mga Pinoy?

Bakit sila hinahanap, bakit sila kinasasabikan, bakit parang hindi kumpleto ang kanilang pananghalian kapag wala ang paglalambingan ng AlDub sa pananghalian?

Maraming bagay at pangyayari sa mundong ito na mahirap bigyan ng dahilan at paliwanag, isa na du’n ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub, na tunay namang nambulabog sa kamalayan ng buong mundo basta may Pilipino.

At ngayong nagkatabi na sila sa mansiyon ay ano na kaya ang makakasunod nito? Ang katotohanan nang pagmamahalan?

Read more...