Paghalik ni Vice sa labi ni Karylle binatikos ng bashers, imoral daw

vice ganda

Pero kung may isang eksena sa Showtime na hindi masyadong nagustuhan ng ilang netizens ay ang paghalik ni Vice kay Karylle sa lips ng dalawang beses sa isa nilang production number.

Punto ng mga ito, may asawa na raw si Karylle at mahalay tingnan ang ginawa ni Vice lalo pa’t buong mundo ang nakakapanood sa kanila. Malaswa at imoral raw ang ginawa ng TV host-comedian.

Maraming nagkomento sa social media hinggil dito kasabay ng pagtatanong sa asawa ni Karylle na si Yael Yuzon ng bandang Spongecola kung ano ang reaksiyon niya sa ginawa ni Vice.

Narito naman ang sagot ni Yael sa kanyang Twitter, “I don’t normally reply to these things but there is really no need to bash anyone. Live a life of love, focus on the good.”

Dagdag pa ng singer, “It’s been around 4 hours, more interesting things have happened in life, you just have to focus on those.”

Nag-comment din si Yael sa isang netizen na nagpasalamat sa kanya dahil sa pagpayag niyang mag-lips-to-lips sina Vice at Karylle, anito, “I didn’t allow anything. No one needs permission from me.”

Read more...