Roxas, Binay, Marcos maghaharap-harap ngayong araw

binay-roxas
MAGHAHARAP-HARAP ngayong araw sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating Interior Secretary Mar Roxas matapos silang imbitahan para dumalo sa National Unity Party (NUP) sa Sofitel Hotel.
Tinatayang 500 mga miyembro ng NUP ang dadalo sa national convention.

Kapwa tatakbo sina Roxas at Binay bilang pangulo samantalang kinukonsidera naman si Marcos na tatakbo bilang bise presidente.

“The Party is expected to make a decision on who among the ‘presidentiables’ will be worthy of our support after the convention,” sabi ni NUP vice president Cavite Representative Elpidio Barzaga.

Hindi naman sumasagot si Sen. Grace Poe kung bakit hindi siya dadalo sa pagtitipon. Inquirer.net

Read more...