Gloc 9 wala pang karanasan sa ‘Sirena’

gloc 9

WALA pang experience sa bading ang award-winning rapper na si Gloc 9.

Dahil sa kanta niyang “Sirena” maraming beki ang humanga at nagkaroon ng interes kay Gloc 9, naging ma maingay ang kanyang pangalan dahil sa pagbibigay niya ng importansya sa mga bading.

Sa presscon kamakailan ng first solo anniversary concert niyang “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live” natanong ang singer-rapper kung sa 18 years niya sa industriya ng musika ay nagkaroon na ba siya ng experience sa “sirena”, ang naging sagot niya ay talagang ikinahagalpak ng tawa ng press.

“Medyo iba po ang landas na natahak ko kaya medyo hindi ako nagawi sa dagat!” nangingiting sagot ni Gloc 9. Sundot pang tanong sa kanya, ayaw ba niyang pa-experience sa sirena? “Mara-ming salamat po sa offer! Ha-hahahaha!”

Sinabi ni Gloc 9 na may pinanggagalingan din ang pagkasulat niya sa “Sirena”, aniya, marami siyang nakilalang beki noong nakatira pa sila sa Binangonan, Rizal. Isa na nga rito ang bading na naging inspirasyon niya sa pag-compose ng “Sirena”.

Sa isang panayam kay Gloc 9, naikuwento nito ang tungkol sa isang parlorista, “Pag umaga, makikita ko siya dumadaan sa bahay namin, mini-skirt, full make up and all, para pumasok sa parlor, at umuwi hatinggabi na, for the main reason na siya lang ang nagtratrabaho para sa pamilya niya.”

“At para akuin mo yung responsibilidad na itaguyod ang pamilya mo, karespe-respeto naman para sa akin,” ang natatandaan pa naming sinabi ni Gloc 9.

Samantala, sa ika-18 taon ni Gloc 9 sa showbiz industry, maraming naka-line up na proyekto ang kanyang management team na PPL Entertainment para sa kanya, kabilang na itong kauna-unahan niyang solo concert na “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live”.

Siguradong kakantahin niya rito ang bago niyang self-produced single na “Payag,” na napapanahon din sa kalagayan ng bansa, lalo na’t malapit na ang 2016 elections. Maaari itong maging salamin ng bawat Pinoy sa kung ano ang pinaniniwalaan at gustong paniwalaan.

Apat na Sabado ngayong buwan ng Oktubre mapapanood ang “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live” (Oct. 10, 17, 24 at 31) sa Music Museum. Ito na rin ang magsisilbing pasasalamat ni Gloc 9 sa loob ng 18 taong suporta at pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanya, lalo na ng mga mahihilig sa musika.

“Sa 18 years ko po sa larangan na ito, halos mahigit kalahati po noon ang puhunan ko para matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan at suporta na i-pinakita ng mga tao sa akin.

Exci-ted po at kabado rin sa series of shows na gaga-win namin nga-yong October pero at the same time, ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng tao na sumusuporta sa amin.”

Ilan sa special guests ni Gloc 9 sa kayang concert ay sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla at Marc Abaya (Oct. 10); Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray and Rico Blanco (Oct. 17); Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez and Yeng Constantino (Oct. 24); Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Anne San Jose and KZ Tandingan  (Oct. 31); at regular guests naman sina Maya, Migz Haleco,  Reese at Rochelle Pangilinan.

Mabibili ang tickets sa Ticketworld (891-9999) at Music Museum (721-0635). Ang bahagi ng kikitain nito ay para sa YES Pinoy Foundation.

Read more...