Vice Ganda umamin sa tunay na relasyon nila ni Mr. Chinatown

vice ganda

Feel pa rin ng Phenomenal Star na si Vice Ganda na makapareha si Derek Ramsay sa mga susunod niyang proyekto. Pero “not so” naman ang sabi ni Vice when asked kung type niya ring makalabtim ang nanalong Mr. International na si Neil Perez.

Iba-iba ang type niya sa lalaki. At sa ngayon, nali-link si Vice kay Mr. Chinatown. “Hindi naman totoo ‘yung Mr. Chinatown. Charito! Hahahaha!”

So, done na sila ni Mr. Chinatown? “Hindi naman done, ongoing! Ha-hahaha! Joke lang!” ngiti niya.
Naging close lang daw talaga sila pero umamin siya na lumalabas sila ni Mr. Chinatown, “E, alam mo naman dito sa Pilipinas kapag ang lalaki may kasamang bakla, ‘Ay, magdyowa ‘yan, ganoon.

Kahit wala naman talaga.” Anyway, puspusan ang ginawang pagre-rehearse ni Vice at mga kasama niya sa It’s Showtime para sa kanilang 6th anniversary celebration na ginanap sa Araneta Coliseum kahapon.

Opening pa lang ng show ay matinding pasabog na ang nangyari, kabilang na ang buwis-buhay production ni Vice. Full support din ang biggest and brightest Kapamilya stars na guests nila kahapon headed by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla and James Reid and Nadine Lustre.

Magkakaroon din daw sila ng caravan sa Cebu at Davao.

Read more...