Mahalaga ang spark plug dahil ito ang nagdadala ng kuryente sa combustion chamber ng makina upang lumiyab ang gasolina na magpapa-andar sa motorsiklo.
Kailangan na isaalang-alang sa pagpapalit ng spark plug ang heat range nito.
Kung mali ang heat range na ikakabit sa motorsiklo, dahan-dahan nitong sisirain ang makina ng motorsiklo.
Sa umpisa ay maaaring hindi makita ang masamang epekto nito at mapapansin na makatutulong ang upgraded spark plug sa pagpapaandar sa malamig na panahon sa mahabang panahon ay makaaapekto na ito sa performance ng makina.
Sa tanong ng ating texter, ang standard spark plug para sa XRM 125 ay CPR6EA-9 ng NGK o U20EPR9 ng Denso.Para sa mga XRM na ginagamit ng regular sa mga malalayo at mabilisang biyahe, ang inirerekomendang spark plug ay CPR7EA-9 ng NGK o U22EPR9 ng Denso.
Sa pagpasok ng mga gawa sa China na spark plug, mayroong mga nag-iisip na mababa ang kalidad ng mga ito.
Dapat isaalang-alang ang store-customer relation upang maalis ang alinlangang ito.
Maaaring magtanong-tanong muna kaugnay ng bibilhing spark plug kung duda na mahinang klase ito dahil gawa sa China.
Mas makabubuti rin kung ang bibilhin ay genuine spark plug, kaya tanungin ang dealer kung saan mo binili ang iyong motorsiklo.
Kadalasan kasi na hindi na bumabalik sa dealer ng motorsiklo ang isang bumili dahil mas mura ang pagpapagawa sa labas. —Lito Bautista, Leifbilly Begas