AlDub puring-puri ng mga obispo

Pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga para sa pagsuporta sa “the noble cause of spreading virtue, values and morality”.

“Supporting the noble cause of spreading virtue, values, and morality that our nation deserves. #AlDubEBforLOVE,”ayon sa Twitter post ng CBCP.

Nalagapasan na ng split-screen loveteam ng actor na si Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang record na 12 milyon post sa Twitter noong isang linggo makaraang umabot sa 23 milyon ang nag-tweet ukol dito nitong Sabado.

Umaga pa lang ay nangunguna nang mag-trending topic sa buong mundo ang hashtag na #AlDubEBforLOVE para sa nasabing episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Muli na namang nagkagulo sa excitement ang mga netizen sa ikaapat na beses na pagkikita nina Maine at Alden.

Read more...