Record breaking na naman: Tweets ng #AldubEBforLOVE papalo na sa 17M mark

HINDI pa man din natatapos ang programa ng Eat Bulaga at ng inaaabangang kalyeseryeng Aldub ay pinataob na nito ang dating Twitter record na 12 milyon noong isang linggo.

Pumalo na sa 17 milyon ang naitalang tweets para sa hashtag na #AldubEBforLove, mahigit limang milyon ang itinaas sa nakuhang 12 miluon ng hashtag na #ALDUBmostawaiteddate noong Sabado.

Bago ito, alas-9 pa lang ng umaga ay naitala na nasa 9.5 milyon ang tweets, at isang oras bago magsimula ang programa ng Eat Bulaga ay umakyat na ito sa 11 milyon.

Kahit ang ilang celebrities mula sa ibang istasyon ay nakisabay din sa pag-tweet para sa “National Pabebe Wave Day” at nag-post ng kanilang “pabebe wave” photo na pinasikat ng split-screen lovers na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

 

 

Read more...