Sumobra sa pension, wala ng burial benefits

MAGANDANG araw sa mga bumubuo ng inyong pahayagan lalo na sa inyong column ng Aksyon Line.
Taong 2010 nang mamatay ang aking ina pero hindi po namin naabiso sa Social Security System dahil hindi namin naasikaso. Ilang taon na rin ang nakalilipas noong namatay ang aking ina.

Ask ko lang po sana kung may habol pa kami para sa kanyang claims at ano ang mga dapat naming gawin? Sana ay matulungan ninyo kami sa pamamagitan ng in-yong column. Eto po ang SSS number ng mother ko ….6049-0.
Emily
REPLY: Dapat noong araw na namatay ang i-yong ina ay inabisuhan na ang SSS dahil lumalabas sa aming record na tumagal pa ng hanggang mahigit dalawang taon o taong 2012 ay tumanggap pa rin ng pensyon ang
iyong ina.

Mahigit sa P40,000 pa ang naibigay na pensyon sa iyong ina na kung saan P23,000 lamang dapat na funeral benefit ang maaari nitong makuha.

Ibig sabihin sobra sobra ang naibigay ng SSS sa burial benefit na dapat lamang na natanggap ng iyong ina makaraan ang kanyang pagkamatay at nararapat lamang na maibalik ang sobrang halagang ito.

Gusto rin sana namin na malaman kung buhay pa ang iyong ama dahil maaaring mai-transfer sa kanya ang pensyon ng iyong ina bilang kanyang benipisyaryo.
Ang monthly pension ng iyong ama ay maaari nang makuha. Agad lang na isumite sa pinakamalapit na sangay ng SSS ang mga dokumento.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Ms. Emily.
Ms. Beth Suralvo
SSS Senior Officer
Media Affairs Dept
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...