Gabby aprubado ang paghuhubad ni Kc: Okey lang, matanda na siya!

kc concepcion

WALANG kaso kay Gabby Concepcion kung second choice siya sa papel na Erano Manalo sa biopic na “Felix Manalo” na idinirek ni Joel Lamangan mula sa Viva Films na mapapanood na sa Okt. 7 nationwide bukod pa sa international screening nito sa buong mundo.

“Mara-ming ganu’n, eh, sa pelikula, sa experience ko na hindi ako yung first, tapos kapag napunta sa yo, nagiging maganda naman,” sabi ni Gabo sa presscon ng “Felix Manalo” kamakailan.

Abut-abot ang pasalamat ng aktor dahil sa kanya napunta ang papel na Ka Erdy dahil malalagay sa history ng pelikulang Pilipino ang “Felix Manalo” na founder ng Iglesia ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas.

“Ako mismo, I like history and Felix Manalo is an icon sa mga Pilipino just like San Lorenzo Ruiz. In fact, I was thinking, kung naging movie ito noon, it would be nice to be a part of it.

Hindi ko akalain na eto na ‘yung movie, and I am part of it. Ang galing,” nakangi-ting sabi pa ng aktor.
Aminado si Gabby na pagdating sa pagtanggap ng proyekto ay inaalam muna niya ang materyal at nang ialok sa kanya ang “Felix Manalo” ay kaagad na niyang tinanggap.

Kinumusta naman kay Gabby ang anak niyang si KC Concepcion, “Okay naman siya, pero sa lovelife wala akong alam,” pinangunahan na niya ang media sa kanyang sagot. “Hindi ko alam, hindi pa niya ako tinatawagan.

Normally, tinatawagan lang niya ako pag may issue na. Hindi, joke lang.”  Hindi aware si Gabby sa sexy pictorial ng anak na naging dahilan kaya nagkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan ang mag-inang Sharon Cuneta at KC, “Wala naman siyang nabanggit, wala naman kaming napag-usapan.

Naririnig ko lang na ‘yun nga, mayroong kaunting reaction, pero sabi ko, you know, she’s an adult, she can do whatever she wants as an adult.

“Noong bata siya, ayun, makikialam talaga ako kung mayroon akong nakikitang hindi maganda. Pero open ang aking mind sa mga art, figures and all that,” paliwanag ni Gabby.

Sabi pa nito, “Pero kung magde-decide ako kung may limitations ako sa mga photo niya, eh, ’yan, eh kailangan ko munang makita.”

At sa mga basher ni KC, “Well, that’s her choice. Like I’ve said, she’s an adult and it’s an art form, eh. Lahat naman ng ginagawa natin sa showbiz, yung mga posing, yung mga ganyan, depende, ‘no? Beauty is in the eye of the beholder, sabi nga.”

“And we cannot always be behind them sa lahat ng mga bagay. Kasi may mga desisyon na kahit sabihin mong huwag because laban sa paniniwala mo, eh, ‘yun ang paniniwala nila, eh,” aniya pa.

Ang iba pang artistang kasama sa “Felix Manalo” bukod kay Gabby ay sina Dennis Trillo, Bela Padilla, Snooky Serna, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Richard Yap at marami pang iba na umabot sa pitong libong extra produced ng Viva Films na magkakaroon din ng advance screening sa Philippine Sports Arena sa Okt. 4, Linggo, 7 p.m.

Read more...