Sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Jenny.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 1,135 kilometro sa silangan ng Calayan Island, Cagayan kahapon ng umaga.
May hangin ito na umaabot sa 105 kilometro bawat oras ang bilis at pabugsong 135 kph.
Umuusad ito sa bilang na pitong kilometro bawat oras pahilagang kanluran. Ang bagyo ay nasa kategoryang Severe Tropical Storm dahil sa lakas ng dala nitong hangin.
Malayo ang bagyo sa kalupaan ang bansa kaya walang itinaas na public storm signal na itinaas ang PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES