Declaration of earnings

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako ay nag voluntary contributions sa SSS dahil hindi pa naman ako regular sa trabaho bukod pa sa may maliit naman po kaming negosyong mag-asawa. Ako rin po ay seven months na pregnant at nakapag-file na rin ng MAT 1 kaya nakita nila na nagtaas ako ng contributions kaya pinapagawa ako ng declaration of earnings. Dati po ang aking contributions ay P550 lamang ngunit bigla akong nagtaaas ng premium ko na maximum P1,760, ginaya ko lang kasi sa kapatid ko na maximum contributions pero isa po siyang OFW.

Ano po ang dapat kong gawin dahil masyado palang mataas ang maximum contributions at dapat po pala ay gradually lamang ang ginawa kong constributions. Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. Eto po ang aking SSS number 33-8…

Salamat po

Melanie

REPLY: Para sa iyong Katanungan Ms. Melanie. Base sa aming record lumalabas na nagtaas ka nga ng maximum contributions na P1,760. Kinakailangan talagang magsumite ng affidavit of earnings para mapatunayan na kwalipikado kang magbayad ng maximum contributions. Kung sabagay sabi mo nga ay kahit paano ay may negosyo naman kayo maaari naman itong magamit para sa iyong affidavit of earnings. Mas malaki ang contributons ay mas malaking beni-pisyo din ang makukuha.

Sa iyong panganganak dahil maximum ang iyong hinuhulog sa SSS, kapag normal delivery ay maaaring makakuha ng dalawang buwang benipisyo na P32,000 at kapag Caesarian operations naman ay 2 ½ months o P40,000.

Malaki rin ang maitutulong ng nasabing halaga para sa iyong panga-nganak.

Salamat
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...