TAMA bang sabihin natin sa mga politiko na tigilan nila ang kasasabing, “Kayo ang boss ko?” Bakit pa tatawaging “boss” ang mamamayan kundi rin nila susundin ang kalooban ng taumbayan? Ito ang pagninilay ng mga pari sa Ebanghelyo (Slm 113:1b-2, 3-45a, 6-7; 1 Tim 1:15-27; Lc 6:43-49) sa kapistahan ng Banal na Ngalan ng Mahal na Birhen sa ika-23 linggo sa karaniwang panahon, na may pambungad na hindi makapamumunga ang masamang puno ng mabuting bunga. Masamang puno si Noy?
Ako’y labis na nababahala dahil ngayong bilang na ang mga araw ni BS (Aquino), parati siyang nasasambit ng mga pari sa mga homilia, pagninilay at pagsasagawa sa araw-araw na Ebanghelyo. Hindi naman mahirap magsimba ang Ikalawang Aquino araw-araw, tuwing alas-6 ng umaga dahil may kapilya naman sa Malacanang at nasa tabi lang ng Palasyo ang dambana ni San Judas Tadeo at parokya ni San Miguel Arcangel, para lamang malaman niya ang Mabuting Balita, na pinagmumulan ng homilia, pagninilay at pagsasagawa. Sa obligasyon na lang kay Jesus ay noynoying pa.
Matagal nang may GC (gift certificates) sa Malacanang, panahon pa lang ni Corazon Aquino. Pero, noong Lunes, marami na pala ang GC sa Malacanang. Ang GC ay Grace-Chiz. At dahil sa hindi i-pinagkasundo ang dalawang paksyon ni BS Aquino simula nang tumuntong sila sa mabahong Palasyo, lumaki ang away hanggang sa nauwi sa plastikan at sigawan. Ang sigawan ay madalang, pero dumadalas na ngayon.
Hulyo pa lang alam na ng kontra paksyon na ilalampaso si Mar Roxas, ang asawang kasal ni Korina Sanchez, ni Grace. Pero, malaki ang tiwala sa sarili ng bugtong na anak na lalaki ni Corazon na kaya niyang brasuhin (kumbinsihin sa magalang na salita) si Grace sa napakahabang hapunan na tumagal ng anim na oras, na puwede namang gawin sa loob ng anim na segundo sa tanong na oo o hindi. Kaya ang a-nim na oras na hapunan ay nauwi sa impatso, at ang biktima ay sina Aquino at Roxas, mismo.
Malaki na ang problema ni Grace sa minamaliit noon (at iniinsulto pa) na si Lito David (nakapanayam siya ng Bandera noon kasama ang iba pang kapartido ng Kapatiran). May problema na rin si Grace sa pinsang si Sheryl Cruz, at marahas na ang pinagdadaanan ngayon ni Sheryl, na tila isa-isa siyang tinatanggalan ng tadyang ng hanapbuhay.
Pero, marami sa kapamilya’t kamag-anak ang may simpatya kay Sheryl. Iba na kasi ang mundong ginagalawan ni Grace.
Paalala kay Leni Robredo: noong kalihim pa ng DILG si Jesse, palamuti lang siya sa Gabinete dahil wala sa kanyang pamamahala ang PNP, at ito’y pinaghaharian ni Rico Puno, kabarilan ni BS Aquino. Hindi naging ganap na kalihim si Jesse dahil na-bypass siya ng Commission on Appointments, na pinaghaharian ng mga Liberal at kaalyado ni Aquino. Ni-raid pa ng mga pulis ang tanggapan ni Jesse at ibig pang halughu-gin ang kanyang condo unit. Ngayon, ang atubiling biyuda ay ibig pang gamitin para manalo si Mar Roxas. Kawawang Leni.
Masidhi na ang pag-iikot nina Caloocan Mayor Oca Malapitan at Rep. Recom Echiverri sa pasilyo ng mahihirap sa North Caloocan, ang distrito na siyang nagpapasya kung sino ang magiging alkalde ng lungsod tuwing elek-syon. Paunti-unti lang muna ang labas ng pera dahil mahaba pa ang laban. Kapag nababanggit ang pangalan ni Grace Poe ay umiismid at nanlalamig ang mahihirap. Sawa na kasi sila sa showbiz, na tulad ni Rey Malonzo, na di na nakabalik sa mataas o mababang puwesto.
HAPPY birthday Fr. Roger Cruz, ng parokya Loma de Gato, Marilao, Bulacan. Sana’y dumami pa ang tumutulong sa i-yong bahay-ampunan sa Sapang Palay, San Jose del Monte City.
Bihira na ang isang abang pari ay makapagpatayo ng orphanage, at tustusan ito habang dumadami ang tinatanggap na ulila’t abandonado. Hindi ka karaniwan, bagkus ay natatangi, lalo na sa homilia (at napapaiyak mo ang mga tinatamaan).
MULA sa bayan (0916-5401958) : Hindi naman gumaan ang trapik sa EDSA dahil may HPG na. Behave lang ang bus drivers dahil hindi kayang tapalan ng pera ang HPG. Gayunpaman, mabuhay ang HPG. …6799