Coco handa nang tumandang binata | Bandera

Coco handa nang tumandang binata

Ervin Santiago - September 25, 2015 - 03:00 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

Hindi man diretsong sinabi ni Coco Martin, wala talaga siyang ba-lak ligawan si Maja Salvador, ang isa sa leading lady niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Ang Probinsiyano.

Tanggap na siguro ni Coco na hindi sila para sa isa’t isa ni Maja at mas magandang maging magkatrabaho at magkaibigan na lang sila.

“Hindi (ko siya nililigawan). Sabi ko nga, mas importante kasi sa amin na maging magkaibigan muna kayo at mas pagtrabahuhan muna ang proyektong ginagawa niyo.

“Kami ni Maja, every time lumalabas kami or may proyekto kami or kahit ano mang ginagawa naming show, nandoon kami para pasayahin yung mga tao. Pero pagda-ting sa personal na buhay, may kanya-kanya kami,” paliwanag ng aktor.

Nagpapasalamat naman si Coco dahil kahit wala silang relasyon ni Maja ay nandiyan pa rin ang kanilang mga fans, ang CocoJams.

“Matagal kaming hindi nakapagsama sa isang proyekto and sa pagbabalik-tambalan namin, excited kami kasi mas naging mature kami. Pagda-ting sa trabaho, mas nagtutulungan. Nakakatuwa kasi yung mga taong sumusuporta at humahanga sa amin nandiyan pa rin ngayon,” chika ni Coco sa nakaraang presscon ng Ang Probinsiyano na magsisimula na sa darating na Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN after TV Patrol.

Totoo bang mas gusto niyang tumandang binata kesa magpakasal? “Hindi naman ako nagsasara (ng puso) pero this time kasi talaga, ang priority ko is my work and my family.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending