Alden pinayagan nang umakyat ng ligaw kay Maine sa mansyon

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB

Kahapon naging kapana-panabik muli ang kalyeserye ng AlDub.Noong umpisa ay parang nagtatampo pa si Yaya Dub kay Alden dahil tila nakalimutan nito ang pangakong magbibigay ng lumpia. Hindi nito pinapansin si Alden.

Nagdala naman si Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo) ng iba’t ibang lumpia ngunit ayaw pa rin ng dalaga. Pero dumating din ang lumpia na ikinatuwa ni Yaya at ang sabi ni Alden “Sabi sayo, for you I will” na ikinakilig ng manonood.

Nag-anunsyo naman si Lola Nidora (Wally Bayola) na may regalo siya sa AlDub na aniya’y ikatutuwa ng dalawa at ng buong bansa. Nagpasok ng mga kahon na may lamang cupcakes na may letters. At nang mabuo ang mga letra, “Mansyon” ang lumabas.

Dito na inihayag ni Lola na binubuksan na niya ang kanyang mansyon para kay Alden upang umakyat ng li-gaw sa dalaga. Kaya ngayong araw ay magtatagpo muli sina Alden at Yaya Dub.

Siniguro naman nina Vic Sotto kay Lola na walang long table na gagamitin bagkus ordinaryong table lamang. Pero ani Lola, no-touch rule pa rin. Wala ring mga Rogelio na magbabantay sa dalawa. At sa pagwawakas, habang nagsasayawan na ang lahat ay biglang sumigaw ng “Aldeeeen!” si Yaya Dub. Ibig sabihin, posibleng magsalita na nga bukas si Maine sa kalyeserye ng Eat Bulaga. – Djan Magbanua

Read more...