May iba nang GF ang BF

Sulat mula kay Ma. Lyn ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,

Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng boyfriend ko sa darating na December 16, kaya lang bigla siyang nagbago. Napansin ko lang ng hindi na siya masyadong pumapasyal sa bahay at madalang na rin nya akong tawagan. Hanggang sa nagpasya na akong kausapin siya ng masinsinan. Nalaman ko at inamin nya sa akin may bago na daw siyang girlfriend na ka-officemate nya. Humingi naman siya sa akin ng sorry pero hindi ko matanggap hanggang ngayon, masakit parin ang loob ko kasi mahal na mahal ko siya at pagkatapos iniwan nya ako sa ere na mag-isa. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakabalikan pa ba kami ng boyfriend ko? At kung hindi na kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend at magiging pang matagalan na kaya at kung kailan ako makapag-aasawa? January 29, 1991 ang birthday ko at August 30, 1990 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,
Ma. Lyn ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang hugis bilog o island sa iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin makakaranas ka isang malaking kabiguan sa pag-ibig, na nangangahulugang maaari ngang hindi na kayo magkabalikan ng boyfriend mo. Pero huwag kang malungkot at labis na manghinayang sapagkat kapansin-pansing may ikalawang mas malinaw, mas mahaba at mas magandang Marriage Line (arrow 2.) sa iyong palad na na-ngangahulugang sa pa-ngalawang pag-ibig o sa ikalawang pakikipag-boyfriend may pangako na liligaya ka na habang buhay.

Cartomancy:
Nine of Clubs, Jack of Hearts, at Two of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng kalungkutan at nang paglisan ng boyfriend mo sa buwan din ito ng Setyembre pinaka-matagal na sa unang linggo ng Oktubre, tiyka ang magaganap, isang bago, mas mabait at mas matinong lalaki ang darating, siya ang ikalawang magi-ging boyfriend mo na makakasama mo sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Itutuloy…

Read more...