Pulis pinatay habang papasok sa trabaho sa Caloocan

Unknown-1
PATAY ang isang pulis matapos siyang pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang mga suspek habang papasok sa trabaho kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Naglalakad si SPO1 Rodrigo Antonio papunta sa Caloocan City police substation sa kahabaan ng Pangako st. sa Barangay Bagong Barrio nang barilin siya ng malapitan ng isa sa dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Sinabi ng Investigation Division ng Caloocan police na binaril ng si Antonio ganap na alas-9:10 ng umaga. Nakatalaga si Antonio sa Caloocan City Police Community Precinct 1.

Ayon pa sa pulisya, iniimbestigahan pa ang motibo ng pagpatay.

Hiniling na ng pulisya sa mga kalapit na establisimento na bigyan sila ng footages mula sa kanilang closed circuit televisions (CCTVs) para mapag-aralan ng mga imbestigador.

Read more...