KUNG si Anne Curtis ang kontrabida sa “No Other Woman”, kabaligtaran naman nito ang papel niya sa “A Secret Affair” dahil siya ang gaganap na original girlfriend ni Derek Ramsay na sinulot ni Andi Eigenmann.
Sabi ni Anne, “I’m not daring here, it’s for Andi. It’s more of…because it’s Derek (leading man) again, kaya kailangan maiba.
“I want to take off the role of villainess hindi madi-differentiate masyado and people might think it’s a sequel or whatever, so we really made a conscious effort to change (story).
Also I wanted to take challenge kasi ‘yun ‘yung forte ko, eh,” kuwento ng 2012 FAMAS best actress.
“But I’m not as nice as Cristine Reyes character in ‘No Other Woman’,” dagdag nito.
Ang bahagyang kuwento ni Anne sa istorya ng “A Secret Affair”, “Barkada kasi kami ni Andi, siya ang bunso ng barkada, hindi naman sulutan, basta may nangyari na bakit, like whatta? So when I read the script, sabi ko gusto kong gawin para maka-relate ang mga magbabarkada.”
Ibinahagi rin ni Anne na gusto niya ang attitude ni Andi dahil hindi ito natatakot na magtanong, lalo na sa love scenes nila ni Derek, kaya ang balik-tanong namin, ‘Kailangan pa ba, e, may anak na siya?’
“Well, it’s different when you’re in front of he camera, and siyempre you don’t know how to do it on screen, di ba?
Hindi ko naman actually kino-coach, sabi ko lang na don’t worry, Derek is a very respectable guy, hindi nagti-take advantage, relax, you’re in good hands.
At saka thinking actress naman siya, it’s really in her genes,” nakangiting kuwento ni Anne.
Pressure ba sa kanila ni Derek ang latest movie nilang dahil bukod sa kumita ng mahigit sa P300 million ang “No Other Woman” ay nasungkit pa niya ang Best Actress sa FAMAS?
“For me, like when we’re meeting with boss Vic and VR (Veronique del Rosario-Corpus), they wanna parang, ‘You don’t do this (movie) para kumita ng millions of pesos’, iba naman kasi ‘yung ‘No Other Woman’, it caters sa mga beki (bakla) married couples ganyan, kasi kung ano ‘yung market mo ‘yun ang manonood,” paliwanag ni Anne.
“And I’m the market Ha-hahaha!” tumatawang sabi sa amin.
Tinanong namin si Anne kung nagka-trabaho na sila ni John Lloyd Cruz dahil baka puwede rin silang gumawa ng pelikula lalo’t halos iisa ang mga tema ng istoryang ginagawa nila, “Sa Maging Sino Ka Man lang,” kaswal na sabi ni Anne na ang tinutukoy ay ang dati nilang serye.
Kung bibigyan siguro ng magandang materyal baka puwede rin silang magka-partner, ‘yun nga lang kung papayagan ng Star Cinema si John Lloyd dahil exclusive siya sa ABS-CBN.
Tipo ba ni Lloydie ang magugustuhan ni Anne bilang boyfriend in case wala siyang karelasyon ngayon?
“Based sa mga previous ex-BF ko so far, parang di masyado, I mean iba-ibang lahi naman kasi, I mean, I have Pinoy, mix.
Basta gusto ko lahat music lovers actually, doon kami nagkakasundo.
“Parang si JL kasi parang hindi pa kami nagkaroon ng chance to talk about ng mga type namin,” sabi ni Anne.
Samantala, wala pa naman daw offer na magsama sila sa pelikula pero kung ang aktres ang tatanungin, “Oo naman, gusto ko,
I’m open to working with anyone.
People think kasi when you have blockbuster films and awards, choosy ka na sa gustong makasama, ako hindi.”
“Everything’s fall into place, sabi ko nga, patience talaga.
Kasi 15 years na ako sa industriya at pinagdaanan ko naman ‘yung mga role na barkada or sister ni Kim delos Santos, tsuwariwap girls ni Antoinette (Taus) at Sunshine Dizon kaya masyado kong na-appreciate kasi it wasn’t an easy climb, kailangan mo talagang pagdaanan ‘yung mga supporting roles, mga one day shooting ka lang sa movie, lahat ‘yun pinagdaanan ko.
That’s why I really appreciate it,” katwiran ng dalaga.