Coco walang swerte sa babae, palagi na lang basted?

coco martin

Nakakatawa ang love angle na pilit na pilit na ginagawa kina Coco Martin and Maja Salvador para lang may anggulo sa bagong soap nila.

It was obvious that it was just a plot to drum up interest in the show. Ewan kung bakit kailangan pang lagyan ng love angle ang dalawa when they have come to terms na mas mabuting magkaibigan na lang sila after ng nangyaring sapakan between Coco and Matteo Guidicelli all because of Maja.

Hindi ba maipo-promote ang bagong teleserye ni Coco nang walang love angle? Bagama’t rich na si Coco ay tila walang babaeng magkagusto sa kanya.

Ewan kung bakit tila mailap sa kanya ang pag-ibig. Napakabait naman niyang bata, matulungin sa pamilya at kayod marino naman, pero bakit parang lahat na lang ng babaeng magustuhan niya ay hindi siya sinasagot?

Anyway, todo ang promo ng bago niyang teleserye ngayon. It was as if make or break ito sa kanya. Ayaw yatang magpatalbog ng Dreamscape kaya naman bigay todo sila para mapansin ang soap ni Coco.

Read more...