Gandang Lalaki winner ng Showtime pumayag maging ‘boyfriend’ ni Vice

nikko

Nakakatuwa ang isa kong alaga – ang grand winner sa Gandang Lalaki contest ng It’s Showtime last year na si Nikko Seagal. Nag-guest kasi siya sa 2015 MMFF entry nina Vice Ganda and Coco Martin, ang “Beauty And The Bestie”. One day shoot lang iyon and he played the waiter/boyfriend of Vice na hinuhuthutan siya. Naloka sila dahil napakahusay daw ni Nikko umarte.

“Isang eksena lang iyon na nanganak nang nanganak. Galing ng anak mo, mama. Magaling sa adlib at kung pakikinggan mo lang at panonoorin siya ay parang di siya umaarte.

Parang totoong ma-galing manghuthot. Ha-hahaha! Nakakaloka! Sabi nga ni Coco, sa haba ng naging eksena namin ni Nikko, baka siya raw ang magmukhang ekstra.

“Galing ni Nikko ha, in fairness. Yung isang eksenang iyon ay napa-sizzle niya,” ani Vice nang magkasalubong kami sa lobby ng ABS-CBN the other night.

Bilang manager ni Nikko, nakaka-proud, di ba? Kasi nga, tatlo lang naman ang hawak kong artists – dalawang singers (Michael Pangilinan who’s with Your Face Sounds Familiar Season 2 and Prima Diva Billy na nakakontrata pa sa isang 5-star hotel sa Dubai until December, 2015) and ito ngang si Nikko Seagal na nag-aartista na.

In fairness to my three wards, proud ako sa kanila dahil may kaniya-kaniya silang excellence. Si Prima Diva Billy ang panganay sa kanilang tatlo – belter ito ala-Lani Misalucha or Mariah Carey while Michael naman is a certified box-office singer dahil lahat halos ng kaniyang mga performances ay full-packed.

Si Nikko naman ay matiyaga rin, after niyang manalo as Gandang Lalaki, nagkasu-nod-sunod ang mga projects niya. He dances so well, he also sings pero not as excellent as Michael pero puwede nang pang-fiesta or out of town guestings.

Raket-raket lang kumbaga. But his face, oohhh! To die for sa kaguwapuhan. Magkasama sina Nikko and Michael sa pelikulang “Pare Mahal Mo Raw Ako” sa direksiyon ni Joven Tan.

Ang other lead actor sa movie ay si Edgar Allan Guzman with the special guest appearance ni Superstar Nora Aunor. Baka next month ay maipalabas na ito sa mga sinehan dahil patapos na ito sa post-production stage niya.

Nakakatawa dahil sa movie na ito, si Nikko lang ang may affair sa isang transgender, para siyang naging suking dyowa ng mga bading sa movie tuloy. Hindi kaya ma-typecast si Nikko sa mga ganitong roles?

“Kahit anong role puwede naman ako, eh. Basta ba for cinematic purposes lang. Yung pagpapa-sexy ay puwede naman siguro ako pero may li-mitations lang.

Okay lang yung pa-trunks-trunks when needed pero siyempre, di pa naman ako sanay sa paghuhubad. Bahala na, let’s just cross the bridge when we get there,” ani Nikko.

Mukhang malayo ang mararating ng batang ito. Super-guwapo, mahusay pa palang umarte. Very expressive pa ang singkit niyang mga mata. Ang nakikita ko sa kaniya, he’s another Coco Martin in the making.

Read more...