Maricel may malaking pasabog sa 2016
ISANG malaking karangalan na naman ang ibinigay sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa 63rd FAMAS Awards. Isa siya sa anim na tumanggap ng Iconic Movie Queens Of Philippine Cinema award, kasama sina Gloria Romero, Susan Roces, Dawn Zulueta, Sarah Geronimo at Nora Aunor.
Sa kurso ng kanyang kamangha-manghang karera bilang isa sa pinaka-versatile at accomplished actress sa kasaysayan ng entertainment industry, nagbida si Maricel humigit 100 na pelikula at ilang beses siyang kinilala bilang isang box-office queen at isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa.
Tinanggap ni Marya ang kanyang unang FAMAS Best Supporting Actress award noong 1984 para sa classic tearjerker na “Saan Darating Ang Umaga” na sinundan pa ng Best Actress para sa mga pelikulang “Babaeng Hampaslupa” (1989), “Dahas” (1996), at “Nasaan Ang Puso” (1998).
Habang nasa awards night, hindi mapigilan ng award-winning actress ang kagalakan, “Wala akong maisip na salita upang ipakita at ipadama sa iba ang kaligahayan na nararamdaman ko,” sabi ni Maricel. “I feel so blessed and humbled to be given the honor to stand beside such great actresses.
Sobra akong inspired dahil sa award na ito na magpatuloy gumawa ng mga pelikula sa dara-ting na mga taon.” Nabanggit din ni Maricel na ipagdiriwang niya ang kanyang ika-45th anniversary sa industriya sa 2016, “Akalain ninyo na tatagal ako ng ganito? Talagang malaking blessing ito galing kay Papa God.
Marami pa akong exciting na mga plans, lalo na sa 2016. Hinding-hindi ako titigil dahil mahal na mahal ko ang ginagawa ko.” At napag-uusapan na rin ang magagandang mangyayari sa 2016, tinanong si Maricel, na isa sa mga malalaking bituin na sumuporta sa matagumpay na KeriBeks gay congress ni Korina Sanchez-Roxas noong nakaraang buwan, kung sinong Presidential candidate ang kanyang susuportahan.
“Of course si Mar,” diretsong sagot ni Marya. “Bakit si Mar? Eh gusto ko eh! Bakit mas marunong pa kayo sa akin? Hahahaha. Pero seriously, naniniwala ako sa kanya at sa kakayahan niya.”
Ayon kay Marya nagkaroon siya ng chance na makilala si Mar ng personal at makausap ito sa ilang mga okasyon. “Hindi siya magnanakaw at hindi siya maramot. Nauunawaan ni Mar ang sitwasyon ng iba’t ibang mga tao.
Siguradong magkakaroon ng maraming disente at maayos na trabaho ang mga tao. Ang mga call center na lang. Marami ang nagkatrabaho dahil dito at alam na-ting malaki ang role ni Mar kung bakit maunlad ang mga call center sa atin.”
Impressed din ang premyadong aktres sa credentials ng mister ni Korina, “Cartwheel at tumbling ako sa dami ng mga nagawa niya. Ako nga, marami ang humahamak sa akin dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero sa kabila nito ay nabuhay ko ang mga kapatid at mga anak ko.
Eh achievement ko lang yan ha, eh paano pa yung mga nagawa ni Mar? Nakakaloka!” sabi ni Maricel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

