Sheryl: Please, wag n’yong idamay ang pamilya ko! | Bandera

Sheryl: Please, wag n’yong idamay ang pamilya ko!

Reggee Bonoan - September 24, 2015 - 02:00 AM

sheryll cruz

Hindi pa nagkakausap sina Sheryl Cruz at Sen. Grace Poe mula nang magsalita ang una tungkol sa pagtutol nito sa pagtakbo ng kanyang pinsan sa panguluhan sa 2016.

“We have not spoken yet. If they want to speak with me the communication line is always open hindi naman ako umiiwas,” ang sabi ng aktres nang humarap ito sa media nu’ng isang gabi bago mag-presscon ang “Felix Manalo” kung saan isa siya sa napakaraming celebrities na may special role.

Hindi na pinapunta si Sheryl sa nasabing presscon para hindi na mahaluan ng politika ang pelikula na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bela Padilla.

May samaan ba sila ng loob na mag pinsan? “Wala akong sama ng loob. Wala. It’s just that, we have our differences too. Ang sa akin lang they have to respect my opinion.”

“Ako’y nandito (presscon), pumunta ako rito tungkulin ko ito trabaho, ko ito. I’m one of the characters here and it is my job to attend presscon just like other artists.”

“For me to constantly told upon na ‘wag na kong dumalo rito, anong ibig nilang sabihin doon, anong gusto nilang sabihin sa akin. Are they depriving me to speak or are they really make me silent or quiet.

“You know what unang unang sa lahat, I will indulge you, I am not willing because unang-una sa lahat I know it is not true.“The mother or parents of my cousin is different from me please spare my family from this.

Affected na ang Sonora, idinamay n’yo ang Cruz family ang tatay ko nananahimik na rin tulad ni Uncle Ronnie na nananahimik na nakahimlay na siya please naman spare n’yo na kaming magkakapatid.

“Hindi naman namin pinangarap na maging frontpager or mailagay sa front page ng mga magazine tabloids or newspaper at ako simula ng ako’y mag-artista hindi ko naman ginusto na maging part ng anumang cheap gimmick o publicity,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending