PINURI nang husto ni Ms. Susan Roces ang TV adaptation ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin kaya naman nagpapasalamat siya sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.
Sabi ng maybahay ng nasirang Fernando Poe, Jr, “Pinanood namin ang Probinsiyano with my friends, relatives and some members of the staff at pinanood namin ang mga na-tapos nang episodes ng Ang Probinsiyano.
“Sanay ako sa pelikula, hindi ako gaanong sanay sa teleserye at ngayon lang ako sumabak sa paggawa nito. Hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko dahil kasali ako, but I cannot help but say talagang manghang-mangha ako sa pagkakagawa ng mga episodes ng napanood ko, parang pang-pelikula.
“Hindi pinagtipiran ng Dreamscape at ng ABS-CBN, I’m very-very proud of the episodes I viewed at nais kong pasalamatan ang ABS-CBN at Dreamscape,” ang pahayag ni Ms. Susan na gumaganap namang lola ni Coco sa TV version ng nasabing classic FPJ film.
Halos hindi naman makapagsalita ang dalawang direktor ng Ang Probinsiyano na sina A-vel Sunpongco at Malu Sevilla sa papuring ito sa kanila ng Queen of Philippine Movies.
Ani direk Malu, “Gusto ko pong iparating not just from me, also from direk Avel and also from the whole of Dreamscape, sobrang salamat po sa pagre-recognize at nagandahan kayo sa aming maliit na tribute kay Da King.
“It cannot happened kung wala rin naman ang napakaganda at nakapasarap and inspiring support from our Dreamscape bosses who helped us create the episodes, who helped us conceptualized the show and also, ‘yun pong passion ng mga artistang kasama namin, mraming salamat.
“And special mention to Coco, we’ve been together for so many shows, and it’s always tatlong letrang P, perfection, perseverance and passion.
“Whatever Coco is involved so and as a director, I think, we share same sentiments working with him is really, really dream come true four times over for us.
“Dagdagan mo pa ng mga artistang nakikita ninyo ngayon, dagdagan mo pa ng puwersa at tulong at suporta, guidance ng aming mga kasamahan sa Dreamscape, ng aming mga boss paano ka naman maliligaw sa paggawa ng napakagandang tulad nito, sana po you can help us the message out people to watch the show,” mahabang pahayag ni direk.
Mapapanood na ang most awaited TV adaptation ng Ang Probinsiyano ni FPJ sa Set. 28 pagkatapos ng TV Patrol.
.