Mga Laro Ngayon
(SM MOA Arena)
2 p.m. FEU vs UE
4 p.m. NU vs Adamson
Team Standings: UST (3-1); Ateneo (3-1); FEU (3-1); UP (2-2); UE (2-2); La Salle (2-2); NU (1-3); Adamson (0-4)
KAKALAS ang Far Eas-tern University sa paki-kisalo sa unang puwesto habang pangalawang su-nod na tagumpay ang target ng nagdedepensang kampeong National University ngayon sa pagpa-patuloy ng 78th UAAP men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Makakatunggali ng FEU Tamaraws ang University of the East Warriors sa ganap naika-2 ng hapon habang ang walang panalo na Adamson ang kalaro ng Bulldogs dakong alas-4 ng hapon.
Ang UE ay mayroong 2-2 baraha at nais din na makasolo ang ikatlong puwesto na kasalukuyan ay pinagsasaluhan ng pahingang La Salle at UP.
May 3-1 baraha ang Tamaraws para malagay sa unang puwesto katabla ang mga walang larong Ateneo at UST. Galing ang Tamaraws sa 75-58 dominasyon sa University of the Philippines at balanseng pag-atake ang kanilang i-pinakita dahil 11 players ang naghatid ng puntos.
“Ngayon ay na-involve na namin lahat. Makaka-tulong sa amin ang ganyan,” wika ni Tamaraws coach Nash Racela. Pero kung may isang bagay na dapat mag-ibayo sa kanyang koponan, ito ay ang limitahan ang kanilang errors lalo pa’t ang UE ay naglalatag ng magandang depensa.
Papasok ang Bulldogs mula sa 55-54 panalo laban sa UST na pumutol sa kanilang three-game losing streak.