MAKAHULUGAN ang mga binitiwang salita ng award-winning veteran actress na si Ms. Susan Roces nang tanungin ng entertainment press tungkol sa naging desisyon ni Sen. Grace Poe na tumakbong pangulo sa 2016 elections.
Nu’ng isang gabi, sa ginanap na grand press launch ng Primetime Bida series na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, nagsalita si Ms. Susan tungkol sa political ambition ng anak nila ni Da King Fernando Poe, Jr..
Hiningi ba ni Sen. Grace ang kanyang opinyon bago siya magdeklara ng kanyang kandidatura? “Pag nakikita mo na desidido sa kanyang ginagawa, nandito ka lang para ma-nalangin at kung anong magagawa mo para makatulong.
Sa ngayon ang aking pananatiling tahimik ang makakatulong.” Reading between the lines, mukhang may hugot nga ang sagot ng veteran actress. Pero sabi ng biyuda ni FPJ, natutuwa siya dahil na-nguna na naman sa recent SWS survey ang senadora sa mga posibleng manalo sa susunod na eleksiyon.
“Well nagpapasalamat ako, maraming salamat sa kinalabasan ng survey, what more I can say at this point,” pahayag ng movie queen. Naniniwala naman daw ang aktres na may sapat na armas ang kanyang anak sa pinasok nitong mundo, “Bilang magulang, lahat naman si-guro tayong magulang, ibig nating makamit ng mga anak natin kung ano ang kanilang inaasam sa buhay.
“Si Grace ang napiling kurso sa kolehiyo ay Political Science. So alam ko na nakahanda siya na harapin kung ano mang concerns ang related sa trabahong ‘yan,” dagdag pa ni Ms. Susan na gaganap ngang lola ni Coco sa TV version ng classic movie ni FPJ na Ang Probinsiyano na magsisimula na sa Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Natanong din ang Reyna ng Pelikulang Pilipino kung nagulat din siya sa desisyon ng anak na tumakbong pangulo sa 2016, sagot nito, “Bilang ina, never kang handang-handa. May mga pangyayari na bigla ka na lang nagugulat.
Pero siyempre para sa magulang, ang anak mo muna bago ang sarili mo, because it will be very selfish of a parent to be the one to decide kung ano ang para sa anak not unless opinyon mo ay hinihingi.”
Samantala, buo rin ang suporta ng senadora sa kanyang ina lalo na ngayong magsisimula na nga ang teleserye version ng Ang Probinsyano. Sey ni Ms. Susan, maligayang-maligaya ang kanyang pa-milya sa desisyon ng ABS-CBN na gawing soap opera ang nasabing movie ni FPJ, “Grace and all of us are very thankful to ABS-CBN, as well as Dreamscape.
Napakaingat na ginawa at pinaganda, hindi lamang pang telebisyon kundi pang-pelikula ang quality ng trabahong ito.” “Pakiramdam ko parte pa rin si Ronnie (FPJ) ng proyektong ito sapagkat marahil nagparamdam siya kay Coco na, ‘Kawawa naman ‘yung kapulisan natin, parang wala na silang nagawang tama, sana naman iparamdam ninyo sa ating kababayan na ang laki ng sakripsiyo ng nagtatanggol sa atin sa pang-araw-araw nating gawain.’ Kaya parte pa rin siya nito,” pahayag pa ni Ms. Susan.
Makakasama rin sa Ang Probinsiyano ang dalawang leading lady ni Coco na sina Bela Padilla at Maja Salvador, Arjo Atayde, Albert Martinez, Dennis Padilla, Agot Isidro, Ana Roces, Jaime Fabregas, Zaijian Jaranilla, Joey Marquez at marami pang iba.
Ito’y sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco under Dreamscape Entertainment.
Speaking of Bela Padilla, ibang-iba raw ang feeling niya nga-yong nakabalik na siya sa ABS-CBN.
Aniya sa interview ng Aquino And Abunda Tonight nu’ng Lunes ng gabi, sinabi ng da-ting Kapuso actress na super happy siya dahil nabigyan uli siya ng chance na maging Kapamilya.
“Iba talaga. Maraming nagsasabi na iba ang aura ko ngayon na nakalipat na ako. Siguro dahil I’ve been waiting for this for so long kaya iba ang fulfillment,” sey ng dalaga.
Inamin ni Bela na talagang nag-effort siya para mag-audition sa role bilang asawa ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano, at sinuwerte naman daw siya.
Hindi nga raw niya alam na isasabay na rin ang screen test sa nasabing audition kaya nagulat siya nang biglang dumating si Coco.
Diretso ring inamin ng aktres na matagal na niyang gustong maging leading man si Coco at tinupad na nga raw ito ng Dreamscape.