Vice Ganda: Hindi ko katapat ang AlDub!

vice ganda

NAKA-SCHEDULE na ang mga araw ng pag-absent ng Phenomenal Star na si Vice Ganda sa kanyang noontime show na It’s Showtime.

Ito’y para sa shooting ng pelikula nila Coco Martin na “Beauty And The Bestie,” isa sa mga official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

“Hindi ako pwede, e. Meron akong number of absences na allowed, kung hindi, mapa-fine na ako. Sumobra na ako. And siyempre, nakakahinayang din magbayad ‘no,” sambit ni Vice.

Kaya huwag nang magtaka ang iba kapag wala si Vice sa noontime show ng ABS-CBN. Although, for sure, hindi pa rin titigilan ng intriga si Vice at bibigyan ng ibang kahulugan ng mga kritiko niya ang pagliban niya sa Showtime.

“Kalkulado na ‘yun. ‘Pag naglatagan pala ng schedule nakalkula na, ‘O, eto ang ia-absent mo kasama ‘yung ganito.’ E, dati malakas ang loob ko kasi, ‘Pwede pa ‘yan. May natitira pa akong absent, hindi pa ako mamumultahan.

Pero kapag mamumultahan ka na, ay naku, ‘no! Mukha kaya akong pera. Gusto kong makaipon kesa makabawas,” pahayag pa niya. As of last week, nakaka-two shooting days na sina Vice at Coco sa movie nila.

Hindi pa nagsu-shoot ang iba pa nilang makakasama sa movie, including the tandem of James Reid and Nadine Lustre. Kapatid ni Coco si James sa movie habang pamangkin naman ni Vice si Nadine.

“Tawa nga ako nang tawa kay Coco kahapon, sabi niya, ‘Magpalit na lang tayo. Pamangkin mo na lang si James, tapos kapatid ko si Nadine.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ ‘Paano kami mag-eeksena noon? Magi-Ingles-Ingles ‘yun!’ tawa ako nang tawa,” lahad ni Vice.

Kwento pa niya, “E, ‘di ‘yun ‘yung comedy! Tawa ako nang tawa sa kanya. ‘Makipag-Inglesan ka!’ sabi ko sa kanya. ‘Ayoko, ayoko. Magpalit na lang tayo.’ ‘Hindi, hindi.

Sa ‘yo si James.’ Sabi niya, ‘Paano ‘yun Iingles-Inglesin ako noon?’ ‘E, ‘di bahala ka, gawin ninyong comedy. At least hindi na kayo mahihirapang magpatawa, nakakatawa na ‘yung eksena ninyong dalawa.’

“Sabi niya, ‘Basta kapag nag-Ingles ‘yan hindi ko sasagutin ‘yan.’ Ha-hahaha! Nakakatawa si Coco talaga!” Bata pa lang daw ay mag-best friends na sina Vice at Coco sa movie.

Pero bet ni Vice si Coco sa kuwento, “Mag-best friends talaga kami. E, nangyari talaga kasi sa akin ‘yun. ‘Yung best friend ko lumalaki ako, syempre (nu’ng) lumalaki ka hindi naman ako baklang-bakla ‘di ba? Nagba-basketball ka pa, lalaki ka pa. Ganoon kami, e.

“Tapos habang naglaon, nag-e-emote ako sa kanya. Tapos ako naman, bet kita pero wala naman akong dine-demand sa ‘yo. Best of friends pa rin tayo. Pero bakla ako, nagugustuhan pa rin kita.

Tapos siya, deadma rin naman. Love niya ako bilang best friends kami,” salaysay ni Vice. At noong nalaman daw na bakla siya at bet siya ni Vice, na-offend si Coco at lumayo sa kanya, “Tapos ako, parang nagalit rin ako.

Kasi parang, akala ko ikaw ang makakaintindi sa akin, e, ni-reject mo ako. Parang ‘Pare, Mahal Mo Ba Ako?’ Ganoon! Sabi ko nga, ‘yun ang gawing theme song namin sa movie. Pero gagawa raw ng bago. Gusto ko nga ‘yung kanta na ‘yan.”

Iniintriga naman ang pagkakasama ng tambalang JaDine sa movie nila ni Coco. Ang JaDine raw ang itinapat nila para sa AlDub na isinama naman sa movie nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

“Hindi, dati pa naman. Hindi lang namin maibato ‘yung info dahil inaayos pa ang schedule. Parang nauna kami mag-announce bago sila.” Nagbigay din ng reaksyon si Vice sa muling pagtatapat nila ni Vic sa MMFF, “Fun, the usual.

Lagi naman, at saka hindi lang naman ito ang unang beses na nagtapat kami ng movie ni Bossing.”
May nagsulat naman na umiikot na raw ang puwet ng mga katapat na comedy movie nina Vic at Ai Ai sa pagpasok ng AlDub, “Ewan ko, hindi naman umikot ang puwet ko.

Sakto lang. Saka unang-una, hindi ko katapat ang AlDub. Hindi naman sila komedyante at wala rin akong kalabtim. Siguro ‘yung show nila at show ko magka-tapat.

Pero kami ng AlDub? Ano naman ang similarity namin? Sila lang naman ang nabo-bother at nag-iisip ng kung anu-ano,” diin ni Vice.

Read more...