We have not seen the stage play version of “Bona” starring Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman but we feel that it’s not worth our while.
Naaliw kami sa mga review ng mga kasama naming sa panulat.
Talagang binash nila ang “Bona”.
Wala raw ito sa kalingkingan ng original Bona played by Nora Aunor.
Si Eugene raw ay acting na acting at walang characteristic ng kanyang character ang nakita ng audience.
Binago kasi ang version at ginawang contemporary kaya nawala ang essence ng iconic movie ni Ate Guy.
To put it bluntly, binaboy raw sa stage ang “Bona”.
At ang nakakaloka, maraming isiningit sa play na wala namang katuturan at lohika tulad na lang ng interview ni Boy Abunda kay Eugene after niyang sabuyan ng mainit na tubig ang character ni Edgar Allan.
Hindi raw akma ang ending at wala rin itong impact.
Sana raw ay ni-retain na lang ang original ending ng movie version bilang respeto na lang sa original na pelikula.
Sabi nga ng ilang nakapanood, “bastardized” version daw ang “Bona” ni Eugene!