NOONG Linggo ay tumanggap muli ang napakahusay na aktres at malapit sa puso na-ting kaibigang si Ms. Sylvia Sanchez ng bagong award – siya ang nanalong Best Actress sa FAMAS Awards na ginanap sa Resorts World for her sterling performance as a tomboy-mom sa pelikulang “The Trial” ng Star Cinema.
Napakahusay ni Ibyang sa pelikulang ito, in fact, ang pagganap niya rito ang isa sa pinakapinag-usapan noong ipinalabas ito noon. Her moments in the film were really outstanding. Iba talaga si Ibyang bilang aktres. Kakaloka sa husay.
“I am just so thankful sa producers at director namin sa movie dahil binigyan nila ako ng pagkakataong makaganap sa isang makabuluhang papel sa ‘The Trial’. Of course, hindi naman mabubuo ang cha-racter ko sa film kung hindi rin sa mga kasamahan kong aktor in the movie.
Marami rin akong isinakripisyo when I did ‘The Trial’. “Talagang nagpaigsi pa ako ng buhok that time. Had to act like a tomboy dahil tomboy-mom ako roon ni John Lloyd Cruz at ang asawa ko naman ay badingding. Thankful lang ako dahil na-recognize ng FAMAS ang performance ko.
It inspired me more to do better sa mga susunod kong gagampanan,” ani Ms. Sylvia who has remained cool and humble through the years. Nakakatuwa si Ibyang sa bawat performance niya in any role.
Walang maliit o malaking papel para sa kaniya, nasa artista naman kasi talaga iyon kung kaya mong gampanan at mapansin sa bawat portrayal mo. Hindi naman kasi talaga puwedeng ipilit kung wala kang angking ta-lento – ika nga it’s either you have it or you don’t.
“Nahubog lang din siguro ako ng panahon. Matagal na rin ako sa showbiz at ito ang gusto ko talagang gawin mula nung bata pa ako. When I started to join showbiz, inilagay ko na sa utak at puso ko na kailangang paghusayan ko itong pinasok kong prope-syon.
Sa dami ng magagaling nating artista, yung mapasama ka lang sa hanay nila ay sobrang saya na. Pero ang manalo ng mahalagang tropeo ay malaking bonus talaga. It’s a reaffirmation na me konti rin pala akong nalalaman sa pag-arte,” ang lalo niyang pagpapakumbaba.
Sa bawat victory ni Ibyang, automatic na natutuwa kami agad. We just can’t help but be proud of her. Kasi nga, saksi kami sa maraming pinagdaanang trials ni Ibyang since time immemorial.
She’s such a beautiful soul. Napakabuti ng puso niya kasi- bilang asawa, bilang ina sa apat niyang magaganda at kay guguwapong mga supling, bilang anak, bilang kaanak, bilang kaibigan at higit sa lahat bilang katrabaho ng bawat bituin sa pinilakang-tabing.
Wala kang masasabi kay Ms. Sylvia Sanchez – she’s too good to be true actually. Kahit mataas na ang antas niya sa buhay ay hindi siya nasilaw ng karangyaan, yaman at kislap ng kaniyang mga bituin. She has remained simple and grounded.
“Ano naman ang ipagyayabang ko? Kailangan bang magmalaki porke nakamit ng isang tao ang ilang mga minimithi niya sa buhay? Ang mahalaga sa akin ay hindi yung yaman at kasikatan, ang priority ko ay ang pamilya ko.
Pangarap kong makapagtapos sila ng kanilang mga pag-aaral – lumaking mga mabubuting Kristiyano at magampanan ko ang role ko bilang asawa.
“Ang pag-aartista ay isang propesyon, katulad ng ibang mga trabaho na tumutulong sa atin to make a living. Nagkataon lang na pag-aartista ang pinasok ko kaya kaila-ngang pagbutihin ko talaga ang aking pag-arte.
Ito ang ikinabuhay namin for the longest time. Pasalamat nga ako at napaka-supportive ng asawa ko (Papa Art Atayde) and mind you, he is our number one fan and critic.
Hindi ka puwedeng makalusot sa kaniya. Ha-hahaha! At mahal ko ang mga in-laws ko tulad din ng pagmamahal at pagrespeto nila sa akin,” ani ni Ms. Sylvia.
Her two children are now in showbiz na rin. Mas naunang pumasok ang baby kong si Arjo Atayde and he has proven to everyone na meron din siyang sariling style and market in this business.
Napakagaling umarte ni Arjo, superrrrrr! And this time, he plays a very important role sa bagong aksiyon-serye ng Dos, ito nga ‘yung remake ng Ang Probinsiyano with Coco Martin na magsisimula nang umere this coming Monday.
Ang isang anak pa nina Ibyang at Papa Art na si Ria ay kasama naman sa morning-seryeng Ningning with her mom. She plays a sosyal na teacher ng isang private school.
Sosyal na may puso ang role ni Ria and in fairness to her, she delivers very well in the said role, not to mention that very beautiful face na talagang namang hindi rin matularan.
Kudos to this new showbiz royalty. The Sanchezes and the Ataydes. Laban ka?