Angelica gagawin lahat para wasakin ang KathNiel

angelica panganiban

MAGSASANIB-PWERSA sina Madam Claudia at Bea Bianca para sirain ang pagmamahalan nina Angelo at Yna sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo.

Siguradong mawiwindang ang viewers sa mga bagong pasabog nina Angelica Panganiban at Sarah Carlos bilang sina Madam Claudia at Bea Bianca sa PSY ngayong magkakampihan na sila para wasakin ang relasyon nina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla).

Sa episode noong Biyernes, pinagtapat ni madam Claudia kay Coring ang kanyang maitim na balak para sirain ang pag-iibigan ng anak na si Angelo at ni Yna.

Ayon kay Claudia, sisiguraduhin niyang mawawalan ng oras sa isa’t isa ang dalawa hanggang sa maagaw ni Bea Bianca ang atensiyon ni Angelo.

Bibigyan ni Madam Claudia ng importanteng papel si Bea Bianca para tuluyang matupad ang pangarap niyang paghiwalayin sina Angelo at Yna.

Paano sisimulan nina Claudia at Bea Bianca ang plano laban sa pag-iibigan nina Angelo at Yna? At magtagumpay naman kaya ang maitim nilang plano? Bukod dito, paano ipagpapatuloy ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) ang paghihiganti laban kina Eduardo (Ian Veneracion) at Claudia? ‘Yan ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Nathaniel.

Read more...