‘Movie Queen’ title ni Dawn inireklamo; Vilma, Mega inisnab ng FAMAS

By Alex Brosas September 22,2015
share this

‘Movie Queen’ title ni Dawn inireklamo; Vilma, Mega inisnab ng FAMAS

By Alex Brosas September 22,2015
share this

dawn zullueta

Kinukuwestiyon ang Iconic Movie Queens Award na nakuha ni Dawn Zulueta.

For many, hindi raw deserving ang matawag na movie queen si Dawn. Sari-saring reasons ang lumabas, kesyo never daw itong nagreyna sa pelikulang Pilipino, therefore wala siyang karapatang matawag na movie queen.

Ang isa pang intriga, bakit daw hindi isinama sina Vilma Santos at Sharon Cuneta na tunay na movie queens. Oo nga naman. Vilma and Sharon were truly deserving of the honor.

Baka naman may second batch na paparangalang movie queens. Kung ibibigay nila lahat ang listahan ay baka hindi na magningning ang susunod nilang award’s night.

Meron ding nagpatutsada na paano na raw si Bea Alonzo na “This generation’s movie queen” ang i-binigay na moniker ng kanyang home studio?

Okay naman para sa marami na napasama si Sarah Geronimo sa list dahil talaga namang nagreyna ito sa iba’t ibang media.

But isn’t she very young to be called a movie queen? But with this new award given to Sarah, siguradong nagbubunyi na naman ang mga Popsters.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending